Mag-asawang Manny at Jinkee hindi nagtagumpay kina Paolo at Lian

I’m sure disappointed sina Manny & Jinkee Pacquiao dahil kung kailan gusto nilang tumulong para mabuo muli ang pagsasama nina Paolo Contis at Lian Paz at saka nila nalaman na okay na ang dalawa bilang friends.

Atras  na lang sila but wish na talagang the two are happier being friends.

May soft spot ang mag-asawa sa dalawang naghiwalay dahil matagal nakasama ni Manny sa show si Paolo.

Anak ni Marjorie namana ang kagandahan ng kanilang pamilya

Mag-aartista na rin pala ang anak ni Marjorie Barretto na si Julia. Mabuti naman dahil mukha namang mahilig ang bata na ubod ng ganda. Talagang ayaw niyang magpahuli sa ganda ng kanyang mga kamag-anak. Ang anak ba ni Gretchen na si Dominique ay ayaw mag-artista? Napaka-ganda rin ng batang ito.

 

 

 

Show comments