Starlet na si Krista Miller tikom ang bibig... mag-asawang Cesar at Sunshine tuloy ang ‘away’

Parang may katotohanan na nga ang hiwalayang Cesar Montano at Sunshine Cruz. Hindi lang iniwan ni Sunshine ang bahay nila ni Cesar, inilaglag na rin daw niya ang apelyido nito sa pangalan niya!

Pero ano ‘tong ginawa ni Sunshine na hindi na paggamit ng apelyido ni Cesar, totoo na ba ito?

Abangan natin kasi baka naman pagkatapos ng showing ng pelikula ni Cesar ay matapos na rin ang isyu.

Kasi ang ikinatataka ko bakit hindi nagsasalita ang babaeng pinag-aawayan nilang mag-asawa. Asan siya, bakit hindi niya ipagtanggol ang kanyang sarili?

Habang patindi ang away ng mag-asawa walang naririnig sa babaeng unti-unti nang nagkakaroon ng name recall dahil kina Sunshine at Cesar.

Anong ginagawa ng mga talk show at hindi nila ito hinahanap. Sakaling umayaw, kelan ba sila hindi nagtagumpay sa pang-iintriga?

Fans nina Aljur at Kris, ayaw tantanan si Kylie

Ayaw daw ng mga Aljur Abrenica/Kris Bernal fans kay Kylie Padilla at ipinararamdam nila ito sa internet. Nung una ay pinalalampas lamang ito nina Aljur at Kylie, pero hindi na ngayon.

Katunayan open na si Aljur sa kanyang pakikiusap sa mga fans nila ni Kris na tantanan na ang girlfriend niya. Sinunod naman nila siya, pero hindi nagtagal.

Ngayon ay buwelta na naman sila sa kanilang pagba-bash sa anak ni Robin. Hihintayin pa ba nila na ito naman ang magalit sa kanila? Mas masama itong magalit kaysa kay Aljur.

Show comments