PIK: Papasok na sa second season ang kakaibang game show ng GMA 7 na Celebrity Bluff na hinu-host ni Eugene Domingo.
Malilipat na ito sa 9:15 p.m. timeslot, at mga showbiz couples na sina Dingdong Avansado-Jessa Zaragoza, Aubrey Miles-Troy Montero at sina Marco Alcaraz-Precious Lara Quigaman ang maglalaban-laban sa kalahating milyong piso jackpot.
PAK: Pati pala ang batang si Vincent Magbanua ay may poser na rin.
Nagulat siya nang sinabihan ito ni Alden RiÂchards na pina-follow siya sa kanyang Twitter account. Wala naman pala siyang ganun, kaya nagpasabi na ang mga followers nito na poser lang pala ang gumawa ng kanyang Twitter account.
Natuwa na rin ang bagets dahil meron pa raw palang nag-abalang gawan siya ng ganun. Hindi raw niya naramdaman na may mga fans siya na nagpa-follow sa pekeng Twitter account.
Pero iniisip na rin ni Vincent na gumawa ng sarili niyang Twitter account. Kaya lang, hindi raw niya alam kung mapa-follow ba siya ng mga classmates niya sa Palawan.
BOOM: Magpa-file ngayong umaga ng Motion for Reconsideration si Imelda Papin sa Comelec sa Quezon City pagkatapos kanselahin ang kanyang Certificate of Candidacy.
Naalalang nag-file ng candidacy si Imelda na tatakbong Congresswoman sa San Jose, Del Monte, Bulacan.
Ibinasura ito ng Comelec nang kinuwestiyon ang kanyang residency. Kaya magpa-file ito ng Motion for Reconsideration, at naniniwala siyang mapapagbigyan siya dahil karapat-dapat naman daw siyang kumandidato.