Bruce Willis ginawang superhero sa bagong Die Hard!
Pinanood ko ang A Good Day To Die Hard noong Martes sa Greenhills Promenade at sumakit ang ulo ko dahil sa sobrang ingay ng pelikula ni Bruce Willis.
May nagsabi kasi sa akin na maganda raw ang movie at naniwala naman ako. Ang Safe Heaven sana ang panonoorin ko pero hindi ko pinangarap na umiyak-umiyak sa loob ng sinehan dahil kadadalaw ko lang kay Jennifer, ang babae na may sakit na kanser sa ovary at ikinasal noong Valentine’s Day sa kanyang boyfriend na si Julius Serrano na cameraman ng GMA 7. Ipinakita sa 24 Oras ang inspiring at touching love story ng dalawa kaya binisita ko si Jennifer sa Manila Sanitarium and Hospital dahil dito siya naka-confine.
‘Yun na nga, nabingi at sumakit ang ulo ko sa Die Hard dahil sa dami ng car chase scene at blasting effects.
Daay, parang mga superman si Bruce at ang Australian actor na si Jai Courtney na gumanap bilang anak niya dahil nalampasan nila ang mga nakakalokang attempt na patayin sila.
Isa lang ang tanong ko, bakit walang eksena na kumakain sina Bruce at Jai? Parang hindi sila napagod at nagutom sa pakikipaglaban nila sa kanilang mga kaaway. Tinalo pa nila ang mga lahat ng mga comic superhero!
Jennifer nakakabilib
Wala si Julius nang bisitahin ko sa ospital ang kanyang misis, ang Unang Hirit researcher na si Jennifer.
Stage 4 na ang cancer ni Jennifer pero nakabibilib ang pagharap niya sa kanyang karamdaman. Casual na casual siya sa pagkukuwento tungkol sa sakit niya. Natawa ako nang sabihin niya na dapat lang na magsipag si Julius sa trabaho nito dahil may asawa na siya.
LT grabe ang naging pagod sa Pahiram…
Hindi napanood si Lorna Tolentino sa Pahiram ng Sandali noong Martes dahil ito yata ang episode na hindi siya nag-taping.
Napagod nang husto si LT sa mga mabibigat na eksena at mga crying scene kaya pinagpahinga muna siya.
Hindi madali ang maging artista dahil emotionally, mentally, at physically exhausting ang mga madadrama na eksena, lalo na para sa mga kagaya ni LT na sineseryoso nang todo ang karakter na kanyang ginagampanan.
Ang akala kasi ng ibang tao, madali at puro glamour lang ang pagiÂging artista. Maling-mali ang kanilang mga akala dahil kadalasan, nahihirapan ang mga tunay na aktor at aktres na ihiwalay ang kanilang tunay na pagkatao sa mga karakter na ginagampanan nila.
May mga insidente na hanggang sa pag-uwi sa bahay, bitbit nila ang mga mabibigat na emosyon ng kanilang mga role sa mga teleserye at pelikula.
Paroa papalitan ng Serpentina
Malapit nang mag-goodbye sa ere ang Paroa ng GMA 7 kaya nakakaramdam na ng lungkot ang cast dahil mami-miss nila ang isa’t isa.
Kung hindi ako nagkakamali, ang Serpentina ang ipapalit sa Paroa. Ang Serpentina ang biggest television break ni Kim Komatsu. Co-stars ni Kim sina Enzo Pineda at Kristoffer Martin sa afternoon teleaserye ng GMA 7 na bagay na bagay sa Year of the Water Snake.
Happy ako para kay Enzo dahil hindi na siya suporta sa kanyang bagong project. Nagbunga ang kanyang pagtitiyaga at paghihintay dahil leading man na siya sa Serpentina.
- Latest