MANILA, Philippines - Pagtulong sa kapwa at pagtupad sa mga paÂngako ang mga aral na ibabahagi ng top-rating fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na Wansapanataym ngayong Sabado (Pebrero 23). Sa espesÂyal na episode na pinamagatang Gigie in a Bottle, bibigyang buhay ng award-winning Kapamilya child wonder na si Zaijian Jaranilla ang karakter ni Allan, isang bata na nangangambang mawalan ng schoÂlarship.
Nang matagpuan niya ang nakakulong na genie sa isang bote na si Gigie (Maricar Reyes), makikiÂpagkasundo si Allan na palalayain niya ito kapalit ng pagtulong sa kanyang pag-aaral.
Ngunit sa kabila ng mahiwagang tulong na kanyang natanggap para makakuha ng karagdagang puntos sa eskwela ay babaliin ni Allan ang kanyang pangako at tatraydorin si Gigie dahil hindi niya ito palalayain sa bote.
Sa huli, matutunan kaya ni Allan na panindigan ang kanyang mga salita at buong-puso na tumulong sa kanyang kapwa kapag dumating ang salamangkerong nagkulong kay Gigie?
Anak ni Angelica sumailalim sa DNA
Sumailalim pala sa DNA testing sina Angelica Jones Alarva at Dr. Gerald Alday para sa kanilang apat na buwang anak na si Angelo Timothy Benedict.
Ipinakita ng DNA testing na ginawa sa Natural Sciences Research Institute ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman, na positibong si Dr. Albay, isang konsehal ng San Jose, Batangas, ang ama.
Nakaligtas si Laguna Governor ER Ejercito, na malapit kay Angelica, ang kanyang Board Member sa ikatlong distrito ng probinsiya sa mga usap-usapang siya ang ama ng bata.
Tropa... bibisita sa pista ng mga ibon
Ngayong Sabado (Pebrero 23) sa Tropang Potchi, makikilala na ni Liane (Liane Valentino) ang kanyang iniidolong si Ruru Madrid. Bibisita rin ang iba pa nating mga ka-potchi sa Manila Ocean Park at Candaba, Pampanga.
Desidido na si Liane na possible niyang makilala sa personal ang kanyang idol na si Ruru habang diskumpiyado naman ang kaibigan na si Sab (Sabrina Man) sa ideyang ito. Para kay Sab ay imposible itong mangyari.
Samantala, bibisitahin naman nina Lenlen (Lenlen Frial) at Nomer (Nomer Limatog) ang Manila Ocean Park para makilala ang mga bagong kaibigang ibon, ang mga Birds of Prey. Ibabahagi rin nina Miggy (Miggy Jimenez) at Liane ang pagbisita nila sa Candaba, Pampanga para sa pista ng mga ibon kung saan napanood nila ang makulay na parade ng mga taong-ibon. Hindi rin dapat palampasin ang pagpapalipad ng eropÂlano ni Miggy kasama si Capt. Andrew Lasala ng Omni Aviation School .