Kadiri naman ang misis ng isang aktor dahil siya pa ang naninira sa kanyang asawa at mga kaibigan na nakakaaway niya.
Ang social media ang ginagamit ng hitad na misis sa paninira. Gumagawa siya ng maraming account sa Twitter at gumagamit ng iba’t ibang mga pangalan kaya libreng-libre siya na makapanira ng kapwa.
Ang cheap-cheap ng diskarte ni misis.
Ang ending, bumabalik sa kanya ang mga ginagawa niya. Siya ang nabibiktima ng kanyang mga paninira. Ganyan kabilis ang karma!
Chef Boy marami nang chef ang napadala sa Europe
Showing na pala sa mga sinehan sa March 6 ang The Fighting Chefs, ang pelikula na pinagbibidahan nina Chef Boy Logro at OMB (Optical Media Board) Chair Ronnie Ricketts.
Maraming followers si Chef Boy dahil sa cooking show niya sa GMA 7. Sure ako na susuportahan nila ang unang pelikula ng mahusay na chef.
Simpleng-simple lang si Chef Boy pero ang totoo, mayaman na mayaman na siya. Hindi niya ipinagmamakaingay na nakapagpatayo na siya ng building sa Cavite at siyempre hindi nawawalan ng mga estudyante ang kanyang culinary arts school.
Proud na proud si Chef Boy sa pagkukuwento na nagtatrabaho na sa Europe ang karamihan sa mga chef na graduate ng kanyang culinary arts school sa Cavite. Sosyal ’di ba?
Ewan ko lang kung maglalakas-loob ang mga film pirate na kopyahin ang The Fighting Chefs. Takot na lang nila kay Ronnie na patuloy sa panghuhuli sa mga lumalabag sa batas.
Apat na taon nang nanunungkulan si Ronnie bilang chairman ng OMB at aktibo ang kanyang kampanya laban sa mga film pirate.
Mayamang bading nawalan ng gana sa aktor na bilmoko
Nawalan ng gana sa aktor ang mayaman na gay dahil bilmoko siya. Kung hindi pinairal ng aktor ang pagiging materyoso, baka siya pa rin ang nakikinabang ngayon sa kayamanan ng gay na all mine to give ang drama pero ayaw sa mga mhin na bilmoko.
Ibang aktor na ang apple of the eye ng gay, isang aktor na hindi abusado at palahingi. Naghihintay lang siya kung anuman ang ibigay sa kanya ng riÂchie rich gay kaya lalong na-in love ito.