Mga negosyanteng Fil-Chi nag-abot ng P1M sa mga biktima ng bagyo
MANILA, Philippines - Ang Association of Young Filipino Chinese Entrepreneurs (dating Anvil Business Club) ay nagbigay ng tulong pinansiyal na P1 million sa GMA Network, Inc. para iabot sa mga nabiktima ng bagyong Pablo sa Mindanao. Sa ngalan ng Kapuso Foundation, tinanggap ng GMA chairman at CEO na si Atty. Felipe L. Gozon at ng presidente na si Gilberto Duavit, Jr. ang tseke at nagpasalamat sa kabutihang loob ng organisasyon. Ang mga Fil-Chinese officer ay sina George Siy (chairman emeritus), Jeffrey Ng (chairman), at Jovenson Ong (president) na siÂnaÂmahan ng tatlong honorary chairmen na sina Michael Chenglay, Wilson Lee Flores, Bernard Go, at Peter Mangasing.
- Latest