MANILA, Philippines - Lumabas na naman ang pagiging natural na komedyante ni dating Presidente Joseph “Erap†Estrada sa dalawang videos na ipinalabas sa 50th birthÂday party ng anak na si Sen. Jinggoy Estrada. Simple ’yung una niyang banat nang magbigay siya ng mensahe sa anak. Ramdam ang pagiging proud ng ama na siyang nagsulong sa anak upang pasukin ang pulitika dahil hindi siya kasing guwapo nito upang maging bida gaya niya!
‘Yung pangalawa ay riot upang magsigawan at magpalakpakan ang dumalo sa The Tent ng Manila Hotel. Nagsimula ang video sa isang dance production number ng mga kaibigan, kamag-anak, anak, mga kapatid, at nanay na si Dr. Loi Ejercito.
Evolution ng dance ang konsepto ng number at kahit hindi sabay-sabay ang iba, kitang-kita na pinaghirapan itong gawin. Game na game kasi ang lahat lalo na ang ina ni Sen. Jinggoy!
Pero nang huling parte na at ang kanta ni Psy na Oppa Gangnam Style ang musika, solo frame si President Erap suot ang jacket na orange, bumaÂbaÂba ng tricycle, at hayun, join siya sa lahat at dance ng Gangnam Style! Ilang minuto ring tumagal ang pagsasayaw niya ng Gangnam kasabay ang asawang si Dra. Loi kaya palakpakan ang lahat sa video na ’yon.
Pero dahil moment ng anak niya ang okasyon, mas minabuti ni Pres. Erap na panoorin na lang ang lahat ng kaganapan sa stage na prinepara ng asawa ng senador na si Precy at kapatid na si Jackie Lopez.
Si Jinggoy naman, umiral ang pagiging emosyonal habang pinanonood ang song number ng showbiz friends na sina Sen. Bong Revilla, Jr., Phillip Salvador, Christopher de Leon, Tirso Cruz III, Edgar Mortiz, Cong. Lani Mercado, at Lorna Tolentino.
Tumulo na ang luha ng sendor nang mag-perform na ang apat na anak na pinangunahan ng bunÂso na si Jill. Sinundan ito ng kanta mula kay Julian, isang song and dance number mula kay Jolo, at isang kanta naman ang ipinarinig ng panganay na si Janella.
Sa huling bahagi ng programa, si Precy naman ang nag-alay ng awit sa minamahal na asawa at saka nag-blow ng birthday candle ang senador.
Nagsilbing hosts ng programa sina Pops FerÂnanÂez at Edu Manzano. NaÂging bahagi rin ng paÂlaÂbas si Martin Nievera at kaibigan ni Jinggoy sa Ateneo.
Hindi maipaliwanag ni Sen. Jinggoy ang kasiyahang nadarama nung oras na ’yon. Lubos niyang pinasalamatan ang lahat ng bahagi ng tagumpay niya hindi lang sa showbiz kundi maging sa pulitika!
Umaapaw kasi ang well-wishers niya mula sa pulitika, showbiz, at kaibigan. Hindi niya naitago ang damdamin upang pasalamatan ang ama at ina na naging bahagi ng mga biyayang natatamasa niya ngayon.