JV Ejercito umagaw ng atensiyon sa party ng half-brother na si Jinggoy

SEEN: Mga sikat na artista at pulitiko ang mga bisita sa 50th birthday party ni Senator Jinggoy Estrada sa Manila Hotel noong Sabado. 

Madaling-araw na nang matapos ang kasayahan.

SCENE: Nakipag-duet si Congressman Manny Pacquiao kay Martin Nievera sa birthday party ni Sen. Jinggoy Estrada. Hindi naabot ni Pacquiao ang mataas na tono ng Tagalog song ni Martin.

SEEN: Tinutukan ng TV reporters ang pagdating ni Congressman JV Ejercito sa party ng kanyang half-brother. Umagaw ng atensiyon ang arrival ni JV.

SCENE: Si Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. ang representative ni P-Noy sa birthday party ni Sen. Jinggoy Estrada.

SEEN: May advice si Sandara Park kay Psy na huwag nitong kalimutan na sabihin na “Mahal ko kayo” sa Pinoy audience ng concert ng Korean pop singer sa The Arena, Pasay City noong Sabado.

SCENE: Ang Oppa Gangnam Style pa rin ang pinaka-popular na kanta ni Psy sa mga Pilipino. Sinabayan ng audience ang pagsayaw at pagkanta ni Psy ng Gangnam Style.

SEEN: May balita na magtatapos sa March 15, hindi sa March 1, ang Pahiram ng Sandali ng GMA 7.

SCENE: Nag-claim ang The Buzz na exclusive ang interbyu nila kay Cesar Montano.

Ang Startalk ang unang naglabas ng interbyu kay Cesar Montano at sa mga pahayag nito tungkol sa problema sa relasyon nila ni Sunshine Cruz.

SEEN: Rigodon ang afternoon shows ng GMA 7. Inilapat sa afternoon timeslot ang Forever nina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann. Inilagay sa dating timeslot (early primetime) ang Koreanovela na Smile Dong Hae. Apektado sa rigodon ang Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa na dalawang beses nang napapalitan ang timeslot.

 

 

Show comments