Dalawang weekend show pala ang malamang na ipapalit sa nawalang programa ni Megastar Sharon Cuneta sa TV5. Baka isa sa Sabado at isang Linggo.
Pinag-aaralan na raw ng Viva ang mga nasabing programa. Si Mr. Vic del Rosario ang manager ni Sharon.
Kagagaling lang daw ng Japan ni Megastar kasama ang buong pamilya including KC. Bakasyon lang daw talaga ang ginawa roon ng pamilya.
Matagal-tagal na ring namamahinga si Sharon matapos makansela ang kanyang afternoon daily show sa Kapatid Network.
May nag-deny din sa isyu na gustong bumalik ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN. Paano raw mangyayari ‘yun eh may kontrata si Mega sa TV5 na limang taon.
Batang aktres, pang-cr ang akting
Nagtatanong ang ilang nanonood sa isang serye kung bakit daw parang gustong magpo-poo ng isang batang aktres na bida sa serye tuwing ang eksena ay iiyak siya.
Baka raw puwedeng gawan ng paraan ng staff or ng aktres mismo na baguhin ang acting dahil talaga raw pang-CR ang ginagawa nito. Parang may lalabas daw any moment tuwing iiyak na siya sa mga eksena.
Iyakan pa naman daw ang nasabing serye.
‘OPM is not dead’
“OPM is not dead. OPM is alive.†Ito ang sigaw ng mga miyembro ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) sa ginanap na launching ng OPM Means Movement.
Ipinakikita sa OPM Means that the music is many things whether to a songwriter or a fan, a singer or a sponsor, a media partner or even to an NGO.
Nagsama-sama ang iba’t ibang organisasyon para sa OPM Means para mas lalo pang palakasin ang kampanya ng mga kantang Tagalog na pansin na pansin nilang bibihira na ang nagpapatugtog sa FM radio.
Kasama sa grupo ang Radio Republic, Kopiko coffee, Lenovo Mobile, O.P.M., OPM2Go, RockEd Philippines, 711 Music Nation, and Medianation, Inc.
At para ilunsad ang kanilang mensahe, magkakaroon ng 2-day all-OPM Music Festival, February 22 and 23 sa gaganaping Hot Air Balloon Festival sa OMNI Aviation Complex, Clark Freeport, Pampanga.
Magpe-perform sa nasabing event sina Ryan Cayabyab, Ogie Alcasid, Joey Ayala, Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza, The Dawn, Gloc 9, Ebe Dancel, Quest, Julianne Tarroja, Salamin, Spongecola, Urbandub, Wolfgang, Yeng Constantino, Q-York, Mike Kosa, Color It Red, at maraming-marami pang iba.
Mura lang ang ticket, 250 na mabibili sa gate.
Pangako ng OPM Means lalakasan pa nila ang kampanya para tuluyan nang pataubin ang foreign singers na ayon nga kay Ogie, president ng O.P.M, na ganito na ang trending sa kasalukuyan bilang mga local artist na ang madalas mag-No. 1 sa mga music charts at record bars.
Maging sa concert scene ay napansin na rin ni Ogie na mas kumikita na ang mga concert ng local artists.