MANILA, Philippines - Ang rock icon na si Bamboo ang ikalawang celebrity na uupo bilang coach sa pinakaaabangang singing competition ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines kung saan sasamahan niya ang una nang ipinakilalang coach na si Sarah GeroÂnimo.
Gagabayan at ime-mentor ni BamÂboo bilang coach ang mga conÂtestant na mapapabilang sa kanyang team at haÂhasain ang kakayahan ng mga ito sa pag-awit nang sa gayu’y isa sa kanila ang manalo at tanghaling The Voice of the Philippines.
Dating bokalisÂta ng mga bandang River Maya at Bamboo at ngaÂyo’y isa ng award-winning solo arÂtist, si Bamboo ay nakumbinsing gaÂwin ang naÂtuÂrang proyekto dahil naÂniÂniwala siya na ito na ang panahon para ipasa niya ang kanyang kaalaman sa susunod na heÂnerasÂyon ng mga music artist sa bansa.
“Handa na ako maging coach. May tamang oras lahat ng ’yan at naniniwala akong ito na ’yun,†sabi ni Bamboo.
May iba’t ibang paraan para mag-audition.
Mag-log on sa www.thevoice.abs-cbn.com at mag-audition online hanggang Pebrero 19 sa pamaÂmaÂgitan ng pag-upload ng inyong video na kumaÂkanta ng acapella o tanging boses lang ang gagamitin at walang anumang saliw ng background music, minus one, o instrumento. Ang mga sasali ay dapat Pilipino o may lahing Pilipino na nasa edad 16 pagpasok ng Hunyo 2013. Maaari ring ipadala lang ang video link ng inyong performance na naka-upload sa video-sharing sites tulad ng YouTube at Vimeo basta sumusunod pa rin ito sa mga nabanggit na pamantayan.
May auditions din na gaganapin sa Bacolod, IloÂilo, Tacloban, at Cebu sa Pebrero 23; General Santos, Zamboanga, Cagayan De Oro, at Davao sa MarÂso 2; and sa Palawan, Laoag, Naga, Legazpi, Baguio, Dagupan, at Maynila sa Marso 9.