^

PSN Showbiz

Bamboo, ikalawang coach ng The Voice of the Philippines

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang rock icon na si Bamboo ang ikalawang celebrity na uupo bilang coach sa pinakaaabangang singing competition ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines kung saan sasamahan niya ang una nang ipinakilalang coach na si Sarah Gero­nimo.

Gagabayan at ime-mentor ni Bam­boo bilang coach ang mga con­testant na mapapabilang sa kanyang team at ha­hasain ang kakayahan ng mga ito sa pag-awit nang sa gayu’y isa sa kanila ang manalo at tanghaling The Voice of the Philippines.

Dating bokalis­ta ng mga bandang River Maya at Bamboo at nga­yo’y isa ng award-winning solo ar­tist, si Bamboo ay nakumbinsing ga­win ang na­tu­rang proyekto dahil na­ni­niwala siya na ito na ang panahon para ipasa niya ang kanyang kaalaman sa susunod na he­neras­yon ng mga music artist sa bansa.

“Handa na ako maging coach. May tamang oras lahat ng ’yan at naniniwala akong ito na ’yun,” sabi ni Bamboo. 

May iba’t ibang paraan para mag-audition. 

Mag-log on sa www.thevoice.abs-cbn.com at mag-audition online hanggang Pebrero 19 sa pama­ma­gitan ng pag-upload ng inyong video na kuma­kanta ng acapella o tanging boses lang ang gagamitin at walang anumang saliw ng background music, minus one, o instrumento. Ang mga sasali ay dapat Pilipino o may lahing Pilipino na nasa edad 16 pagpasok ng Hunyo 2013. Maaari ring ipadala lang ang video link ng inyong performance na naka-upload sa video-sharing sites tulad ng YouTube at Vimeo basta sumusunod pa rin ito sa mga nabanggit na pamantayan. 

May auditions din na gaganapin sa Bacolod, Ilo­ilo, Tacloban, at Cebu sa Pebrero 23; General Santos, Zamboanga, Cagayan De Oro, at Davao sa Mar­so 2; and sa Palawan, Laoag, Naga, Legazpi, Baguio, Dagupan, at Maynila sa Marso 9.

BACOLOD

CAGAYAN DE ORO

GENERAL SANTOS

PEBRERO

PILIPINO

RIVER MAYA

SARAH GERO

SHY

VOICE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with