MANILA, Philippines - Matapos maglaro ang mga celebrity contesÂtant sa unang buwan ng Minute to Win It, umariba na ang unang regular contestant na naglaro ng tila madadali ngunit nakakakabang challenges sa top-rating Kapamilya game show noong Lunes (Feb 11). PanaÂhon na ng mga ordinaryong Pilipino na magpakitang gilas kaya naman maaari na ring sumubok ang pinakamaliliksi, palaban, at madiskarteng kabataan na gustong maging studio player sa pamamagitan ng pagsabak sa teen tryouts ngayong Sabado (Feb 16). Gaganapin ito sa ABS-CBN Center Road sa Quezon City mula 9 AM hanggang 4:00 PM at bukas lamang para sa mga edad 15-18 taong gulang. Samantala, maaari ring mag-audition online ang mga nasa edad 18 taong gulang at pataas sa pamamagitan ng pag-upload ng video nilang gumagawa ng kahit anong challenge sa Minute to Win It sa cge.tv. Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Minute to Win It at patunay nito ang 16.9% na national TV rating na nakuha nito noong Lunes, anim na puntos na mas mataas laban sa kalabang Knock Out ng GMA na may 10.6% lang.