MANILA, Philippines - Lahat nag-enjoy sa ginanap sa Foursome concert nina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, and Regine Velasquez sa MOA Arena last Valentine.
Bukod sa kantahan, nag-enjoy din kasi sila sa batuhan ng mga patawa ng apat na singers.
Punung-puno ang MOA Arena as in super sold out kaya naman may repeat na agad itong gaganapin next month.
Walang naganap na patalbugan kina Pops and Regine dahil magkaibang-magkaiba ang mga sinuot nilang gown. Nagbibigayan din sila.
Hindi rin puwedeng i-compare sina Martin and Ogie dahil pareho talaga silang magaling. Actually, sakto ang combination nilang apat.
Walang mabigat na local concert na nakalaban ang Foursome last February 14. Iba naman kasi ang audience ni Jessica Sanchez. Ang sa Foursome, ang fans nilang apat na matagal nang hindi sila napapanood sa concert ang sumugod sa Arena.
Kris itinanggi na naloko ng P50 m sa Aman Futures
Mabilis ang naging denial ni Kris Aquino sa pagkakadawit ng pangalan niya sa malawakang investment scam na lumabas sa Borneo Insider, isang pahayagan sa Malaysia. Umano’y isa si Kris sa maraming celebrities na nag-invest sa Aman Futures Group ng P50 million kasama ang ilang mga kaibigan.
Sa interview ni Ted Failon sa DZMM kahapon. “Wala akong ini-invest dito. Hindi ko sila kilala, hindi ko sila nakahalubilo. Wala kong P50 million na inilagay sa Aman na ’yon.
“I’m not passing the blame pero remember ’yung pinagiba mo sa Boracay, hindi ba kapangalan ko rin ang may-ari noon?
“Hindi ba ’yung resort ’yung ini-expose mo na walang permit... so, baka naman (kapangalan) ko rin,†sabi ni Kris na kasalukuyan pang nasa Siargao kasama ang dalawang anak at ilang kaibigan para sa kanyang birthday.
Pero hindi itinanggi ni Kris na meron siyang mga kaibigan na nabiktima sa nasabing scam pero inulit niyang never siyang inalok.
“Never. May kaibigan akong nag-invest diyan pero noong nabalitaan ko, sabi ko nakakatakot ’yung ganyan sobrang laki ng interest talaga.
“Sa sobrang pagpupuyat para kitain ang pera at paghihirap, doon lang ako sa safe.
“Ayaw ko talaga ng risky na investment. Doon lang ako sa mga coupon, coupon, at trust fund ng mga anak ko at sa SDA (special deposit account),†dagdag na paliwanag niya.
Ayon sa balita, na noong January 30 pa pala lumabas ang nasabing balita nakalagay na: “President’s own sister among thousands swindled… Among those victimized included senior Philippines government officers and even the President’s own sister Kris Aquino was said to be among them, who was said to have invested 50 million pesos in it.â€
Pangalan pa lang ni Kris ang lumulutang sa mga artistang umano’y nabiktima ng ganitong scam. Pero meron pa raw ibang sikat sa showbiz. Pero walang pumipiyok.
Mainit na mainit ang isyu sa investment scam dahil sa rami nang nabiktima.
Angelica madaling mapikon kay John Lloyd!
Pinatotohanan ni Angelica Panganiban na wala silang problema ni John Lloyd Cruz nang mag-post siya ng kanilang Valentine photos with matching message pa.
“Para sa yo na bumubusog sakin ng pagmamahal.. Sayo na hindi kayang tiisin ang boses ko.. Alam kong sinubukan mo, kaya Salamat :) Sayo na laÂging nasa tabi ko.. Sa iyong sexy vadehhh kahit ayaw mong maniwala. :-P Sa kalaban kong nagpaiyak sakin sa badminton. (Yes, pikon ako) Sayo love... Thank you.. :) thank you for bringing back my Sunshine. Thank you for loving me for who I am. Happy heart’s day Mahal ko. P. S umayos ka ha? First Vday celebration ko ito.. Ever :) see you later!!! @johnlloydcruz08,â€
Lumabas kamakailan ang speculations na nagkakasawaan agad ang daÂlawa.