^

PSN Showbiz

Coco tumatanaw din ng utang na loob kay Kuya Germs

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Pati pala si Coco Martin na hindi niya Kapuso ay tumanggap na rin ng kabutihang loob ni German Moreno. Inamin mismo ito ng maituturing na pinaka-sikat na aktor ngayon sa presscon ng A Moment in Time na palabas na ngayon sa mga sinehan.

“Wala pa ako sa mainstream nun at gumagawa pa lamang ng pangalan sa indie. Siyempre meron bang magbibigay sa akin ng tsansa na makilala ng publiko, maliban marahil kay Kuya Germs na palagi akong wine-welcome sa programa niya sa telebisyon? Hindi ko ’yun makakalimutan at palaging tatanawin ko ng utang na loob,” sabi ng Kapamilya actor.

Ganito pa lang kaaga ay nagbigay na ng kumpirmasyon si Coco ng kanyang paglabas sa 50th anniversary ng Master Showman na magaganap sa buwan ng Abril sa New Resorts World sa Parañaque City.

Jane Oineza paulit-ulit ang role

Tingnan mo nga naman, ever since na nabigyan ng isang napakagandang role si Jane Oineza sa Maalaala Mo Kaya ay nagkasunud-sunod na ang kanyang mga mahahalagang projects. But sad to say, parang ’yun at ’yun din lagi ang role niya. At hindi lamang sa TV, maging sa pelikula rin. Palagi siyang sexually abused. Mabuti na lamang at sa kabila ng halos magkakaparehong role na nakukuha niya ay parang nasanay na siya at nagagawa na niyang mahusay ang kanyang pagganap. Kaya naman nabigyan siya ng nomination sa New York International Awards for such a role sa MMK. Let’s hope na sa madalas niyang pagganap nito ay talagang ma-perfect na niya ang kanyang acting at ma-appreciate ito ng mga nasa likod ng nasabing award.

Samantala, pag-ibig na dinaan sa sipag at lakas ng loob ang ibabahagi ng MMK sa special post-Valentine’s episode nito bukas ng gabi (Pebrero 16) na tatampukan ng naiibang love story nina Andres (Ketchup Eusebio) at Paz (Meg Imperial). Hindi man kaguwapuhan at hindi rin mayaman, kilala naman si Andres sa nag-uumapaw niyang kasipagan at kabutihang loob. Kung kaya nang dumating ang araw na nakilala niya si Paz, ang babaeng bumihag ng kanyang puso, ay walang nakapigil sa kanya na gawin ang lahat upang suyuin ito. Gayun man, may isang malaking problema si Andres — walang kahit anong nararamdaman para sa kanya si Paz. Kasama nina Ketchup at Meg sa episode sina Irma Adlawan, Al Tantay, Dang Cruz, Louella de Cordova, Jess Mendoza, at marami pang iba. Direksiyon ni Ted Boborol.

BB imbiyerna sa selos ni Mariel

Kahit abalang-abala si BB Gandanghari sa rehearsal ng Halik ng Tarantula, hindi siya napag-iiwanan sa takbo ng showbiz. Alam na alam niya ang mga kaganapan sa mundong kinabibilangan niya pati na ang malaking selosan na naganap sa kanyang kapatid na si Robin Padilla at sa asawa nitong si Mariel Rodriguez.

“Ang tatanda na nila, dapat alam na nila kung saan sila parehong nakatayo. Robin is a Padilla, dapat bago siya nagpakasal kay Robin ay tanggap na ni Mariel kung ano at sino ang pinili niyang lalaki. Talagang lapitin ito ng mga babae. Pareho rin silang taga-showbiz, dapat by this time ay adjusted na sila sa trabaho ng isa’t isa eh bakit may pagseselos pang nagaganap?” May pagkamanghang tanong ng nakatatandang kapatid ni Robin .

Finally pala ay naihanap na siya ng Valentine para sa kanyang stage play. Tatlo pa sila, sina Jet Alcantara, Xyrus Cruz, at Jovie Monsod. Tatlo silang magpapalit-palit sa role ni Valentin.

vuukle comment

A MOMENT

AL TANTAY

ANDRES

COCO MARTIN

DANG CRUZ

GERMAN MORENO

JANE OINEZA

NIYA

PAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with