Nagpunta uli kahapon si AiAi delas Alas sa kanyang doktor para ipa-check up ang pesteng hika niya.
Worried na si AiAi dahil bukas na ang concert nila ni Psy sa The Arena pero sinusumpong pa rin siya ng hika.
Hindi naman niya pinangarap na mawalan ng boses ala-Regine Velasquez sa anniversary concert nito
Ilang araw nang hindi nagsasalita si AiAi dahil inirereserba niya ang boses para sa concert nila ng Korean singer na nagpasikat sa Oppa Gangnam Style. Hindi na puwedeng ikansela ang show na na-postpone na noong December 2012.
Mariel de Leon bet na bet sa Binibining Pilipinas
Mahal ko ang sariling atin kaya si Mariel de Leon ang bet ko na mag-win ng Bb. Pilipinas-Universe crown sa pageant night na gaganapin sa April.
Si Mariel ang anak na babae nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na namataan sa screening ng 2013 Bb. Pilipinas candidates sa Gateway Mall noong Miyerkules. Lalong gumanda si Mariel sa paningin ng mga naka-sight sa kanya dahil sa beauty at height niya.
Matalino, mabait, at disenteng bata si Mariel. I should know dahil nasubaybayan ko ang kanyang paglaki. Actually, mababait at magagalang ang lahat ng mga anak nina Boyet at Sandy dahil maganda ang pagpapalaki nila sa mga bata.
Cinema News, nawala na?
Hindi ko nakakaligtaan na panoorin ang Cinema News sa Cinema One pero ilang araw ko nang hindi napapanood ang nasabing show.
Type na type ko ang Cinema News dahil nagbabalita sila tungkol sa mga artista ng lahat ng TV station. Wala silang pakialam kung Kapuso o Kapatid ang mga artista na ibinabalita nila.
Kapag may oras ako, pinapanood ko ang lahat ng mga local showbiz news program, maliban sa Ang Latest Updated ng TV5 dahil madaling-araw na ito kung ipalabas. Mahimbing na mahimbing na ang tulog ko ng ganoong oras kaya nga hindi ko rin napapanood ang Walang Tulugan ni Kuya Germs!
Precy at Lani, nagulat sa magagandang rosas!
Ang gaganda ng mga bulaklak na natanggap nina Precy Ejercito at Lani Mercado mula sa kanilang mga asawa.
Nasorpresa sina Precy at Lani nang umuwi sa kani-kanilang bahay dahil sa mga bulaklak na bumulaga sa kanila.
Pulang-pula ang imported roses na ibinigay ni Jinggoy Estrada kay Precy at nakapatong naman sa ibabaw na kanilang kama ang bulaklak na sorpresa ni Bong Revilla kay Lani. Ganyan ka-sweet at thoughtful sina Jinggoy at Bong sa mga dyowa nila sa Valentine’s day.
Nakatanggap din ng mga bulaklak mula sa mag-asawang Amy Austria at Duke Ventura ang kanilang mga kaibigan. Ganyan kabongga ang pagmamahal nina Amy at Duke sa friends nila.
Hindi nakalimutan ni Lorna Tolentino si Rudy Fernandez, kahit nasa kabilang buhay na ang kanyang loving husband. Mga sariwang bulaklak ang dinala ni LT sa puntod ni Rudy sa Heritage Park bilang paggunita sa kanyang asawa sa Araw ng mga Puso.