Hindi pala basta season break: Joey, Edu, at Shalani nawalan ng show dahil kay Willie

Napunta pala sa Wowowillie ang stage ng Sunday musical show ng TV5 kaya napilitan itong mamahinga sa ere.

Ayon sa source, ‘yun ang totoong rason kaya namahinga ang show nina Joey de Leon, Edu Manzano, at Shalani Soledad.

Wow ibang klase rin ano. Imagine dahil lang pala sa isang show kaya nawalan ng show ang tatlong bigating host.

Eh ayon sa source, hindi pa rin naman daw gaanong nagri-rate ang Wowowillie. Pero wala naman daw problema dahil marami pa namang gagastusin ang TV5.

Na-hurt kaya sina Joey, Edu, at Shalani sa nangyaring ito na mas pinabo­ran si Willie Revillame kesa sa kanila ng tatlo?

Just asking.

Bagong show ni Sarah, box-office king director ang hahawak!

Si Direk Wenn Deramas pala ang magdi-direk ng drama anthology na gagawin ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN.

Ayon kay Mr. Vic del Rosario, nagde-develop na ng stories.

March 10 ang launching ng bagong programa na kapalit nang natapos na Sarah G. Live.

Thirteen weeks lang itong mapapanood ayon pa kay Boss Vic.

Iba-iba every week ang gagawin ni Sarah. Pero very light lang daw bilang si Direk Wenn ang hahawak nito.

Ang Sisterakas ang huling pelikula ni Direk Wenn na nag-No. 1 sa takil­ya noong nakaraang Metro Manila Film Festival.

Iba’t iba raw ang magiging guest ni Sarah kada week kaya maipapakita ng pop princess ang kanyang galing sa aktingan.

Sunday pa rin daw ang timeslot nito ayon pa kay Boss Vic.

Foursome nina Pops, Martin, Regine, at Ogie no. 21 sa CNN Travel, concert ni Jessica Sanchez naisnab kahit runner-up sa American Idol!

 

Pasok sa artikulong 50 cities, 50 last-minute Valentine’s dates ng CNN Travel ang Foursome concert  nina Martin Nievera, Pops Fernandez, Regine Velasquez, and Ogie Alcasid na ginanap kagabi sa MOA Arena.

Ang intro ng story : “If your romantic tendencies don’t include pre-planning or gift splurging, you’re in luck.

“This guide to last minute (but totally cool) Valentine’s dates will leave you looking mushier than Titanic 3D. In a good way.

“Failure to book in advance just became a good thing.”

Nanguna ang Amsterdam :

1. Amsterdam: Win prizes at a comedy show

Prizes are available at a special “Valentijnsdag” improv comedy show.

The aptly named Rozentheater (literally “Ro­ses Theater”), new home of Boom Chicago, the ‘Dam’s biggest comedy show, features bubbly (prosecco), a Valentine’s sex quiz (with prizes) and the comedy troupe’s hilarious new show, “Baby I Like it Raw!”

Rozengracht 117, Amsterdam; www.boomchicago.nl

Lumanding sa No. 21 ang Foursome:

21. Manila, Philippines: Catch a concert

Yes, they were once married, then divorced, but Martin Nievera and Pops Fernandez still love making music together, which they’ll do at a historic Valentine’s concert with a new pair of singing lovebirds, Ogie Alacasid and Regine Velasquez.

Mall of Asia Arena, Pasay City; +63 2 470 2222; www.smtickets.com

Bongga na rin. Naki-level sila sa mga bigating Valentine event sa buong mundo.

Super sold out ang nasabing concert ng apat.

Teka, bakit si Jessica Sanchez na runner-up sa American Idol at nag-concert din kagabi sa Araneta Coliseum hindi nabanggit sa nasabing artikulo sa CNN Travel? Samantalang mas siya ang dapat dahil American Idol ‘yun.

Show comments