OFW, reresbakan ang nangaliwang mister
MANILA, Philippines - Dahil sa kanyang ‘woman’s instinct,’ biglang naisipan ng overseas Filipino worker na si Angeline na biglang umuwi sa Pilipinas dahil tila nagbago na raw ang kanyang asawa. Nagkatotoo ang kutob ni Angeline nang nalamang may kalaguyo ang asawa niya na kanya palang kaibigan.
Ngayong (Feb 14) sa Pinoy True Stories: Demandahan, sasamahan ni Anthony Taberna si Angeline upang malaman kung paano niya mapapanagot ang asawa at ang kabit nito sa batas.
Paano nga ba pinoprotektahan ng batas ang asawang pinagtaksilan ng mister? Alamin kung ano ang kasong concubinage o pangangalunya, kung paano mapapatunayan ito, at kung ano ang malaking kaibahan nito sa adultery.
Susuriin din ni Tunying ang desisyon ng Supreme Court noong 1941 sa isang kaso ng concubinage.Ipapakita rito kung gaano kaistrikto ang batas para mapatunayan ng isang naagrabyadong misis sa hukuman ang pagtataksil ng kanyang mister.
Tutukan ang Demandahan ngayong (Feb 14), 4:45 ng hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold.
- Latest