Talagang whatever feelings meron pa sina Gerald Anderson at Kim Chiu ay bahagi na lamang ng nakaraan. Obviously naka-move on na ang aktor. Nakita sa Kris TV, nang pasyalan ang bahay nila ni Kris Aquino kasama sina Melai Cantiveros at Jason Francisco na ang ilang mga regalo ni Kim kay Gerald ay ipinadala na nito sa bahay ng kanyang ina sa Gen San. Tulad ng mirror and dresser set na agad napansin ni Kris dahil sa kagandahan nito. Andun din sa spacious garden nito ay nakahimpil naman ang golf car na isa ring regalo ni Kim.
Unang ipina-renovate ni Gerald ang kanilang Gen San house bago siya nagpagawa ng bahay dito sa Kamaynilaan. Katunayan, nakikita sa bahay nila sa probinsiya hindi lamang ang touch ng kanyang ina kundi ang personalidad ni Gerald. Mayroon itong napakalawak na basketball court at puno ang bahay nila ng mga sounds system na hilig niya. Siya pa raw ang nag-install nito sa kanilang bahay. In between her visit nagawa ni Kris na mapiga ang ina ni Gerald ng ilang mahahalagang bagay tulad ng nakilala na nito sina Sarah Geronimo at Maja Salvador, mga artista na napaugnay sa kanyang binata. Pero, maliban dito ay wala nang nabatid pa ang mga manonood tungkol sa sikat na aktor.
Base sa kanyang mga naging regalo kay Gerald, mahuhulaang galante si Kim pero hindi lang siya kundi maging si Gerald din. Matatandaan na isa sa mga naging regalo ng binata sa kanyang dating karelasyon ay isang pink car. Nagregalo rin ito ng gamit nang matapos ang bahay na ipinagawa ni Kim.
Kung si Gerald ay nailipat na ang biniling mga regalo ni Kim, is Kim still holding on sa mga regalo sa kanya ng binata?
Sunshine tuloy ang pagta-trabaho kay Cesar kahit magkaaway
Anumang away meron ang mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz, kailangang pag-aralan nila ang maging mabuting business partners.
Bagaman at kay Cesar natoka ang pagdidirek ng bioflick ni Manila Mayor Alfredo Lim at siya ang gumaganap dito, sumulat ng kuwento at prodyuser din, sa rami ng kanyang trabaho ay kay Sunshine niya ipinagkatiwala ang lahat ng bagay na may kinaÂlaman sa pera, ang pagri-release ng tseke para sa lahat ng gastusin ng pelikula kasama na ang TF ng mga artista na pareho nilang pinipirmahan ni Cesar. Kaya walang choice si Sunshine kundi ipagpatuloy ang kanyang gawain sa produksiyon, hanggang sa matapos ang pelikula, kahit nag-aaway pa rin sila.
AiAi at Jed parehong may takot sa dibdib
Kung anu-ano kasing gimik ang ginagawa nina AiAi delas Alas at ng boyfriend niyang si Jed Salang kaya ngayon marami silang pagpapaliwanag na kailangang gawin para maalis sa isip ng lahat na mag-asawa na sila at kasal na. Paano ba naman bukod sa singsing nila, meron pa silang mga wedding pictures complete with costume. ‘Yun pala fake lang ang mga ‘yun, tsika lang para mai-release nila ‘yung malabis na kagustuhan nilang makasal na talaga, pero pareho silang natatakot na baka dahil sa laki ng agwat ng edad nila ay hindi rin sila magtagal. Pareho rin nilang gustong magkaanak na pero dahil may edad na si AiAi kung kaya magagawa lamang nito ito sa makabagong paraan ng syensya at medisina.
Kaya sa mga nag-iisip na kasal na nga ang daÂlawa, hindi pa raw. Wish nila na magkatotoo ito, pero nasa proseso pa lamang sila ng paghahanda para rito.