Milyones ni Kris na ibinayad kay James napalitan na, 20x pa! Kris gustong mamili ng lupain!

MANILA, Philippines - Tikom ang bibig ni Kris Aquino tungkol sa lalaking sinasabing nagpapasaya sa kanya ngayon. Kahit pinipilit, hindi siya napaamin. Katuwiran niya, hindi pa nakikilala ng anak niyang si Bimby.

“Huwag na lang pag-usapan kasi ano, na-a-upset si Bimby. Saka na, pag nakilala na niya,” sagot ni Kris kahapon sa presscon ng 4th season ng Pilipinas Got Talent.

Pumayag na raw naman ang anak na maki-pag date siya pero gusto muna nitong makilala ang guy.

 â€œOo, afternoon, coffee, kailangan daw kasama siya. Sabi niya, ‘yun ang conditions niya, sabi niya, “mommy you can go out, afternoon, not at night, you can have coffee and I have to be there to watch.” “Why?” “kasi you will kiss him.”

Kaya kailangan munang makilala ng anak niyang bunso bago niya ibunyag kung sino.

Wala ring ibinigay na hint ang TV host-actress kung sino ang naturang guy.

“I’m not gonna tell any of you. Ang concern ko talaga ay ang makasundo ko siya at makasundo siya ni Bimb at later on ay makasundo siya ng mga kapatid ko. Kung ano ang opinion n’yo doon dedma na,” sabi niya.

Lumabas na dati pa na dalawa na lang ang pinagpipilian niya – ang isa sa mga Chef ng Pinoy Masterchef na katatapos lang - si Chef Jayps at ang kumakandidatong kongresista na si Direk Lino Cayetano. Pero wala siyang sinasabi.

“Ano ba, hindi, ang bait niya talaga. Mabait siyang tao,” sabi ni Kris tungkol kay Chef Jayps.

Eh ‘yung tungkol sa kanila ni Direk Lino?

“Siya ‘yung nabiktima ng maraming tweets kaya tama na. Tumatakbo pa naman siya, he doesn’t deserve that.”

Maging ang tungkol sa kanila ni Daniel Matsunaga ay idinenay na ni Kris. Masyadong bata ang model-actor kaya ayaw niya.

Samantala, wala nang hininging regalo si Kris except sa makabili siya ng lupa na pagtatayuan niya ng bahay. Tatlong bahay ang target niya “One for Josh, one for Bimby, and for me. Para puwedeng ipamana sa mga anak ko,” sabi niya.

Natutuhan daw niya ito kay Governor Vilma Santos na pinaalalahan siyang hindi naman forever ang trabaho nila ngayon. So kahit daw may mangyari sa kanya, alam niyang magiging maayos ang kalagayan ng mga anak niya.

‘Yung tungkol naman sa emote niya kamakailan na pinirmahan niyang milyones na huling ‘bayad’ sa ex husband niyang si James Yap, napalitan na ‘yun ayon kay Kris – 20x pa ng milyones na ibinigay niya dahil sa dalawang endorsement.

Anyway, bibida na ang pinakabago at pinakamalaking season ng Pilipinas Got Talent simula ngayong Sabado (Feb 16) kung saan muling mapapanood ang talent ng Pinoy hindi lang sa loob ng bansa kung hindi maging sa ibang bansa.

Sa unang pagkakataon ay nilibot ng PGT ang mundo partikular na sa USA, Japan, Singapore, Hong Kong, Middle East, Europe, Canada, Australia, at Guam para mabigyan ng pagkakataong magpamalas ng husay ang mga Pinoy roon sa idinaos nitong global auditions.

Ang tinanghal na pinakamahusay sa bawat teritoryo ay inilipad ng programa pabalik ng Pilipinas para makaharap na ang Big Three Judges na kinabibilangan nga nina Queen of All Media, Comedy Queen Ai Ai Delas Alas, at ‘The Expert’ Freddie “FMG” Garcia.

Makakapag-audition pa ang mga nangangarap sumali sa kani-kanilang mga bahay sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang video sa online auditions na isinagawa sa pakikipagtulungan sa Cge.tv.

“Alam naming marami pang kayang ipakita ang mga Pilipino lalo na sa larangan ng talent. Kaya naman ginawa namin ang global at online auditions para mas marami sa kanila ang mabigyan ng pagkakataong ipalamas ito sa iba. Pinakamalaking season ito ng PGT kaya nararapat lang din na maha­nap namin ang pinakamahusay na talent sa loob o labas man ng bansa,” paliwanag ni Business Unit Head Joyce Liquicia.

 â€œKung sa tingin n’yo nakita n’yo na lahat sa mga nakaraang PGT, hintayin n’yo ang bago naming season dahil mas marami pa kaming nadiskubre na kayang gawin ng mga Pinoy. Mula sa act na pinagsama ang gymnastics at wall climbing hanggang sa act na papatayin ang sindi ng kandila gamit ang kanyang utot, meron kami niyan ngayong season four,” sabi ng executive producer na si Richelle Bernal.

Iniba rin ng produksiyon ang paraan ng pagpapakilala sa bawat acts, pagbabahagi ng kuwento ng bawat auditionee, at ginawan pa ng pasabog na opening number ang hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford.

 Ang Pilipinas Got Talent 4 ay mapapanood tuwing Sabado, simula Feb 16, pagkatapos ng MMK, at tuwing Linggo, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.

 

 

 

 

Show comments