Movie nina Coco at Julia mas matamis pa sa asukal!
MANILA, Philippines - Sobra-sobra ang kilig ng pelikulang A Moment in Time, launching movie nina Coco Martin and Julia Montes under Star Cinema. Tailormade for them para pakiligin ang fans nilang sumubaybay sa Walang Hanggan.
Graded B ng CineÂma Evaluation Board ang A Moment in Time na shoÂwing sa mga sinehan ngaÂyon.
Bukod sa sobrang kilig, mapapanood sa movie ang Amsterdam, NetherÂlands at ilang part ng Paris, France. Ang ganda, in fairness sa kanila.
May nakakalokang conflict ang movie na kailangan ninyong panoorin.
Mas matamis pa sa asukal ang pelikula nila kaya siguradong panonoorin ito. Swak ito sa mga magkakarelasyon at sa walang dyowa na gustong kiligin sa Araw ng mga Puso bukas.
May ilang kissing scenes ang dalawa.
Aktres naNg-eeklay na naman, serye hindi gaanong kinagat ng masa
Para ngang nang-eeklay na naman ang isang aktres dahil hindi nagri-rate ang kanyang teleserye.
As in may mga drama siyang ayaw na niyang umarte at gusto na lang niyang mag-concentrate sa ganito o sa ganyan.
Pero ang suspetsa ng iba, hindi lang ito makapagmalaki tungkol sa kanyang teleserye dahil hindi ito gaanong kinagat ng masa. Mas mataas pa raw kasi ang rating ng serye ng isang baguhan kesa sa aktres na sikat na ito.
“You can’t have it all,†palasak ng comment ng isang showbiz insider tungkol sa naÂging kapalaran ng serye ng aktres.
Puwede naman, pero baka naman makahabol din sa rating ang serye. Abangan natin.
Debut album ni Julie Anne double platinum na
Bongga, umabot na pala sa Double Platinum status ang self-titled debut album ng Kapuso pop star na si Julie Anne San Jose mula nang i-release ito sa music bars at iTunes.
Ipinagkaloob kay Julie Anne ang first-ever Double Platinum Record award niya last Sunday sa Party Pilipinas.
Naging matagumpay ang kanyang CD kung saan nakapaloob ang 11 songs nang umabot sa 30,000 units ang nabenta in both physical (CDs) and digital sales.
Nang i-release ito through iTunes last Aug. 10, agad nakasama ito sa Most Downloaded Album sa iTunes Philippines. Pumasok din ito sa Top Albums in iTunes Taiwan, Macau, Singapore, Hong Kong, Thailand, and Malaysia and was among the Top 10 albums in iTunes worldwide.
Pinatunayan niya sa nasabing album ang kanyang lugar sa music industry – being the first-ever recipient ng Philippine Association of the Record Industry’s (PARI) Platinum Digital Single Award for the outstanding digital sales performÂance of her carrier single I’ll Be There with over 245,000 downloads.
Ang kanyang latest single, ang pop-rock Tagalog song entitled Bakit Ngayon is composed by Persephone band vocalist Barbara Jeanne Ponciano. Ang nasabing kanta ay magiging theme song ng upcoming primetime Koreanovela, The Greatest Love, na nagsimulang mapanood noong Feb. 11 sa GMA.
Available pa rin on CDs at your favorite music outlets nationwide or download it on iTunes by logging on to http://itunes.apple.com/ph/album/julie-anne-san-jose/id548177622?ls=1. For updates on Julie Anne’s promo activities and schedules, follow @GMARecords on Twitter and GMA Records on Facebook.
- Latest