O eh ‘di totoo palang nanliligaw si Coco Martin kay Julia Montes. Akala kasi ng marami ay isang gimik lamang para sa pelikula nilang A Moment in Time ‘yung sinasabi nitong una muna niyang liligawan ang lola nito bago si Julia at pagdadalagahin muna ang aktres. At habang nangyayari ito ay nakukuha naman niya ang simpatiya ng Lola.
Sinabi ni Julia sa isang interview sa TV na malaki na ang pag-asa sa kanya ni Coco. Hindi ito nahiyang aminin na kilig na kilig siya sa aktor. Malaking bagay talaga ‘yung pagkagiliw ni lola kay Coco para makuha rin nito ang loob ng batang aktres.
Technology show may mga bagong pasok
Sa kagandahang loob ng NET 25 na nag-taping ng kanilang 13 taong progÂramang Covergence na napapanood tuwing Sabado, 8:00-8:30 ng gabi, nakapunta kami at nakita ang kagandahan ng Las Casas Pilipinas de Acujar, isang bagong tourist spot sa bansa na matatagpuan sa Bagac, Bataan. Dito ginanap ang taping ng isang episode ng technology show na ang host ay si Nikki Veron–Cruz na may dalawang bagong kasama at pormal na ipinakilala sa ilang kagawad ng media na fortunately ay binubuo ng mga taga-Philippine Movie Press Club (PMPC). Ang dalawang bago niyang makakasama sa show ay sina Christopher Wong, isang homegrown talent ng NET 25 at certified techie. Nagsimula ito bilang host ng Tribe nung 2006 at pagkatapos ay ng Chinoy TV. Ang ikalawa ay si Kyle Nofuente, isang die-hard fan ng Convergence at madalas ay pinoproblema ng kanyang mga magulang dahil madalas niyang kinakalas ang kanilang mga gadgets para malaman kung paano ito ginagamit at paano gumagana.
Sa pagkadagdag nila sa programa, madaragdagan din ang mga segments na tumutukoy sa mundo ng IT—pagtuklas at pagpapakilala ng mga bagong gadgets, pagtuturo kung paano gamitin ang mga ito at pagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa makabagong teknolohiya rito at maging sa ibang bansa.
Si Chris ay magho-host ng sarili niyang segment, ang Gametime.
Si Chris ang susulat ng sarili niyang script at gagawa ng kanya ring research.
May sarili namang website si Kyle kaya malaki na ang kaalaman nito sa makabagong teknolohiya. Bagay siya sa segment niyang Tech Talk. Ang iba pang bagong segments ng show ay ang Battle Gears para sa mga gadgets; App Arena para sa tamang paggamit ng mga ito; Drop Test, pagsubok ng paggamit sa mga gadget pata malaman kung gaano katibay ang mga ito; Game Time para sa mga laro at Webwatch para sa websites.
Balik tayo sa lugar na kung saan nagtaping ang Convergence. Ang ganda, para ring isang lugar sa Ilocos na napaka-matulain. Itinayo ito ng may-ari sa harap ng isang napakalinis na dagat. Ang mga bahay na nagsisilbing otel ay mga bagong tayo, pero pinagmukhang mga luma para mabigyan ang lahat ng pupunta ng pakiramdam na nagbalik sila sa mga panahon nung una. Ang staff ay nakadamit nung unang panahon. Imbes na uniporme. Naka-suot gwardya sibil ang mga bantay at ang staff ay naka-saya ang mga babae at kamisa-tsino naman sa mga lalaki.
We were treated to both native and Italian food, sa dalawang restoran na nasa loob ng lugar. Gabi-gabi may entertainment na nagtatampok ng mga katutubong sayaw at musika. Mga batang mag-aaral ng Bagac, Bataan ang mga nagsasayaw at taga-Bataan din ang dalawa resident singing duo na tumutugon sa taguring Kundiman si Lolo, Lola.