^

PSN Showbiz

Mother Lily maayos na, nagpapasalamat na sa mga nagdasal

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Happy ako dahil maayos na ang kalagayan ni Mother Lily Monteverde pagkatapos ng kanyang lung surgery noong Huwebes at proof ang text message na ipinadala niya na ibabahagi ko sa dear readers ng PSN. Ito ang text message ng pasasalamat ni Mother na itinuturing ko na pangalawang ina, kahit Nanay rin ang tawag sa akin ng mga artista at ng mga tao:

“All the tubes connected in my body are already removed and thank God I don’t even feel any tinge of pain now. Thank you to all my dear friends, my apo’s, my husband, my children, my daughters-in-law, and the entertainment press, all my doctors, and nurses for praying for my successful operation and speedy recovery.

“Most of all to my ever dearest GOD Who never fails to love me and give me comfort and strength and guidance. With all your love and support, I was able to surpass this ordeal readily. Thank you very much. I LOVE YOU ALL! Maraming SALAMAT!”

Direk Rowell tuhog sa pag-arte at pagdidirek

Ang sabi ni Sarah Geronimo, ang It Takes a Man and a Woman ang last installment ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz.

Nagustuhan ng publiko ang unang pelikula na pinagtambalan ng dalawa kaya nasundan pa ito at pangatlo nga ang A Very Special Love.

Kasali sa cast ng It Takes a Man and a Woman si Rowell Santiago na gumaganap bilang strict na kapatid ni John Lloyd. Si Rowell ang direktor ng Foursome, ang Valentine concert nina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.

Sinabi ni Martin sa presscon ng Foursome na busy ang direktor ng kanilang concert dahil tinatapos nito ang shooting ng Sarah-John Lloyd movie. Nagsimula ang showbiz career ni Rowell bilang artista at nang tumagal ay napatunayan din niya ang husay bilang direktor ng mga major concert. May pinagmanahan si Rowell dahil movie director ang kanyang yumaong ama na si Pablo Santiago.

Sarah tiwala sa kakayahan nang mag-amang Angara

Si Sarah ang starring sa advocacy commercial nina Congressman Sonny Angara at Senator Ed Angara, ang mag-ama na champion ng edukasyon.

Importante ang edukasyon sa tatay ni Sarah na si Mang Delfin kaya ginawa nito ang lahat ng paraan upang mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak.

Hindi naipagpatuloy ni Sarah ang pag-aaral nang pumasok siya sa showbiz pero isa lang ang hiniling niya noon sa kanyang manager na si Boss Vic del Rosario, ang matapos ang kanyang high school studies.

Pumayag si Sarah na iendorso noon ang kandidatura ni Senator Angara dahil sa pagpapahalaga nito sa edukasyon at ngayong ang anak niya na si Papa Sonny ang kakandidato, bukal sa loob na ipino-promote ng singer-actress ang advocacy ng mag-ama.

 â€œMarami po sa batas na naipasa ni Tito Ed ang nakatulong sa nakararami para makakamit ng de kalidad na edukasyon.

“Ngayong nandito na po si Kuya Sonny, tiwala po ako na ipagpapatuloy at papantayan niya ang nasimulan po ni Tito Ed sa larangan ng edukasyon. Mataas rin po ang tingin ko sa mga legislation na nagawa ni Kuya Sonny,” ang sabi ng aking favorite singer-actress.

Para sa kaalaman ng lahat, si Papa Ed ang author ng mga bill ng Government Assistance for Students and Teachers in Private Education (GASTPE) at Free High School Act (RA 6655).

Si Papa Sonny naman ang sumulat ng mga batas sa edukasyon tulad ng  Universal Kindergarten Education Act (RA 10157) at Joint Resolution 4 na mas kilala bilang Salary Standardization Law III, ang batas na nagpatupad sa pagdaragdag ng sahod ng mga nagtatrabaho sa gobyerno at public school teachers.

                                           

 

A VERY SPECIAL LOVE

BOSS VIC

CONGRESSMAN SONNY ANGARA

DIREK ROWELL

IT TAKES

KUYA SONNY

TITO ED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with