Mother Lily tinanggalan ng bukol sa baga, pamilya umaasang benign ang biopsy

PIK: Nagulat kami na marami pala ang curious na panoorin at alamin ang tungkol kay Cong. Cynthia Villar.

Isa siya sa special guests sa Mars nina Camille Prats at Suzi Entrata nung nakaraang Huwebes para pag-usapan ang tungkol sa livelihood project na sinimulan niya sa Las Piñas.

Mataas ang rating ng episode na iyon.

Nung nakaraang Sabado naman ay may special segment din siya na lumabas sa Showbiz Inside Report at mataas din ang bahaging ’yun. Marami ang nanood lalo na sa mga kababaihan na isa sa sinusuportahan ni Cong. Cynthia.

Naikuwento na rin niya ang pag-aral ng anak niyang si Camille sa Bar­celona, Spain kaya nagpaalam na ito sa Wowowillie. Mas gusto na rin daw ni Camille na mag-focus sa kanilang mga negosyo.

PAK: Hanggang sa pagka­matay ni Mommy Elvie, ina ni A­riel Villa­santa ng duo na Ariel & Mave­rick, gusto pa ring magpatawa ng anak kaya panay ang joke ni Ariel nang nakausap ito ni Ricky Lo sa Startalk nung isang araw.

Magsisimula na raw ang public viewing kinagabihan at pinag-iisipan daw niyang maglagay ng entrance fee. Nagbiro pa itong puwede raw lagyan ng sponsors ang kabaong ng kanyang ina. Pero hindi tumatawa at ser­yoso si Tito Joey de Leon na pinsan nito habang pinapakinggan ang naturang in­terview.

Pero sa seryosong usapan, inamin ni Ariel na talagang mami-miss niya ang kan­yang ina dahil dalawa lang sila na mag­kasama sa bahay. 

BOOM: Out of danger na ang Regal Entertainment, Inc. matriarch na si Mo­ther Lily Monteverde na inoperahan nung nakaraang Huwebes ng umaga.

Bago ang operasyon ay nagkaroon muna ng misa nung Miyerkules ng gabi at dinalaw pa ito ni Pres. Noynoy Aquino nung nakaraang Lunes.

Tinanggalan si Mother Lily ng two-centimeter mass sa kanyang baga at ngayong araw ay malalaman ang resulta ng biopsy kung benign o malignant ito.

Ayon sa anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde-Theo, kasalukuyang nagpapagaling pa ang kanilang ina at sana nga raw benign ang resulta ng biopsy. Ang gusto na lang nila ay i-enjoy na lang ni Mother ang buhay at iwasan na ang magpaka-stress dahil iyon talaga ang unang dahilan ng cancer.

 

Show comments