PBB teen Ryan at Karen, hahamunin ni Kuya Kim

MANILA, Philippines - Mapapaaga ang summer kay Kuya Kim ngayong Linggo (Feb. 10) sa Matanglawin dahil sasabak siya sa isang exciting na adventure sa isa sa pinakamainit na vacation spot sa bansa ngayon— ang probinsya ng Albay.

Hindi lang iyan dahil tila mapapaaga din ang Valentines dahil sasamahan siya ng kinakikiligang Pinoy Big Brother Teen Edition housemates na sina Karen Reyes at Ryan Boyce at patutunayan ang mga sarili na karapat-dapat tawaging Matanglawin adventurers.

Tunghayan ang pagharap ng RyRen loveteam sa mga hamon ni Kuya Kim para masubukan kung hanggang saan sila tatagal.

Susuungin nila ang Japanese Tunnels sa ilalim ng Lignon Hill at lilipad sakay ng zipline. Gagawa rin sila ng bolo at titikman ang naiibang Sili ice cream ng lugar.

Tuloy tuloy ang hamon sa kanila ni Kuya Kim dahil kailangan din nilang pag-aralang gumawa ng pili candy at ceramics mula sa Tiwi.

Pumasa kaya sina Ryan at Karen at maging ganap na “Matanglawin” adventurers?

Show comments