MANILA, Philippines - Dahil sa Indio, ngumiti ang kapalaran para kina Sheena Halili at Vaness del Moral ngayong 2013.
Hindi nga nawawalan ng television project si StarStruck Avenger Sheena. Pagkaraan ng 10 taon mula nang una siyang lumabas sa telebisyon, laging isang kaibigan o komikera ang papel ni Sheena hanggang sa dumating ang Amaya.
Sa pamamagitan ng unang historical epic ng GMA 7 na Amaya, nagkaroon si Sheena ng pagkakataong mapansin sa karakter na kikay na madalas niyang gampanan noon. Sinorpresa niya ang mga manonood sa kanyang akting sa drama at maging ang mga writer ng programa ay napansin ang kanyang progreso habang duÂmaraan ang mga linggo.
Gayunman, hindi kinakaligtaan ni Sheena ang pagpapatawa niyang pag-arte na una siyang nakilala. Sumunod sa Amaya ang kumplikado niyang karakter sa fantastical dramedy na si Alice Bungisngis at isang lead role katapat ni Marian Rivera sa Tweets for My Sweets.
Pero, sa Indio, ipinakita ni Sheena sa publiko ang isa pang bahagi niya na hindi pa nakikita - ang pagiging matigas, may kumpiyansa at handang gawin ang lahat alang-alang sa kuwento.
Bilang Mayang na kapatid ng karakter ni Sen. Bong Revilla, Jr., tinanggap ni Sheena ang pinakamalaki niyang papel. Isang babaeng kumontra sa kiÂÂnaÂmimihasnan ng lipunan na umukit ng sarili niyang kapalaran sa isang lipunang dahan-dahang naging patriarchal.
Kung paano niya ito gagampanan ay siyang dapat abangan at mapanood at ito ang huhubog sa career ni Sheena sa darating na mga taon.
Samantala, ang StarStruck: The Nationwide Invasion Standout na si Vaness del Moral ay nagtamo ng mga papuri sa kanyang pagiging kontrabida sa mga afternoon soap na Basahang Ginto, Kokak, at Faithfully. Nabigyan na rin siya ng papel na taliwas sa dati niyang ginagampanan.
Ginagampanan Vaness ang karakter ni Elena, isang babaeng walang naÂging tama sa buhay. Ginawa siyang alila nang hindi makabayad ng buwis ang kanyang mga magulang. At isa niyang pinagkakatiwalaan ang nagpapatay sa kanyang magulang. Sa bawat eksena ay pinahanga niya ang marami.
Sa soap opera industry, hindi maiiwasan ang typecasting. Pero ngayon, pinapatunayan nina Sheena at Vaness na, sa sipag at kahandaang gawin ang kinakailangan, nabibigyan din ng oportunidad at kaya nilang gampanan ang iba pang klaseng papel.