Puwedeng hindi na lang pinanood ang mga eksena, Mariel gumawa ng sariling ingay para mapag-usapan!
Kay Mariel Rodriguez kayang idea ’yung mga pagpapatutsada na ginagawa niya dahilan daw sa nagseselos siya sa mga eksena ng asawa niyang si Robin Padilla at Kris Aquino sa serye nilang Kailangan Ko’y Ikaw? Ipinakikita lamang niya ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang asawa. Or is it a ploy para magimikan ang serye ng mister niya o ang noontime show niya sa TV5?
Totoo man o hindi ang hinala ng marami, hindi kailangan ni Mariel na magpatutsada sa kanyang Instagram at Twitter. She has been invited to the set by no less than Kris herself para mapalagay ang loob niya pero siya ang tumanggi dahil ayaw niyang pagsimulan ng ’di pagkaka-dimabutihan sa set. Baka nga naman mailang ang dalawa kapag kinukunan na sila at nanonood siya. Eh bakit nagsasalita siya ngayon? Bakit hindi na lang niya sarilinin ang mga nararamdaman niya at huwag panoorin ang serye na nagbibigay sa kanya ng selos? Kesa naman nagri-release siya ng sama ng loob sa isang paraan na nababatid ng lahat?
Ayaw na rin tuloy ni Kris Aquino na magteleserye. Tulad ng pag-ayaw niya na gumawa pa ng pelikula. Dahil sa parehong medium, napapasama siya. Makuntento na lamang siya sa paghu-host sa TV o kung gagawi siya sa TV o movies ay bilang producer na lamang. Huwag na siyang mag-artista pa.
Richard Yap pinagkakaguluhan ng mga kababaihan
Hindi na mapasusubalian ang kasikatan ni Richard Yap, ang Fil-Chinese na umagaw ng pansin ng maraming tagasubaybay ng local showbiz nang una siyang mapanood sa My Binondo Girl bilang ama ni Kim Chiu at asawa nina AiAi delas Alas at Cherry Pie Picache. Simula nun hindi na natanggal sa kanya ang taguring “Papa Chen†na siyang naging pangalan niya sa nasabing serye. Hanggang ngayon na “Sir Chief†na siya sa pang-umagang seryeng Be Careful with My Heart sa marami niyang tagasubaybay at tagahanga ay naÂnanatili siyang “Papa Chenâ€.
Napakalakas ng charisma ng aktor sa mga babae, hindi lamang sa mga may edad na katulad ko kundi maging sa mga nakakabata na tulad ng anak kong doktora at ng kaibigan niya. Hindi ko na matandaan kung kailan ako nagsimulang maging die hard fan ni Christopher de Leon at matagal na panahon na akong self-appointed president ng Christopher de Leon Fans Club pero with “Papa Chenâ€, para na naman akong naging isang fan muli. Mesmerized ako kapag nakikita ko ang Tsinitong aktor na wala namang balak mag-artista pero dahil marahil tadhana niya ito kung kaya kinailangan niyang magbitiw sa kanyang trabaho sa isang malaking kumpanya sa Cebu para pagtuunan ng pansin ang kanyang bagong trabaho at mundo.
Hindi akalain ni Richard na magiging artista siya. Nang may magtanong sa kanya kung gusto niyang maging artista, apprehensive siya. Una, hindi na siya kabataan. Pangalawa, wala siyang karanasan. Bukod sa paggawa ng komersiyal, matangi sa Chowking, na kung saan una siyang napansin wala na siyang matatawag na work experience na may kinalaman sa pag-arte. Pero pamilya niya ang may gusto na subukan niyang umarte. Sila ang nagtulak sa kanya para niya i-try ang showbiz. The rest is history na nga.
He has been an effective partner to AiAi delas Alas, and now to the much younger Jodi Sta. MaÂria. At na-enjoy niya ang pakikipagtrabaho sa kanila. Pero kung mabibigyan siya ng choice, gusto rin niyang makatambal sina Anne Curtis, Gov. Vilma Santos, and Dawn Zulueta. Nagkasama sila ng huli sa Walang Hanggan pero hindi natutukan ang ligawan nila. Sa role naman, ultimate dream niya ang makaganap bilang James Bond.
Tulad ng huling ginampanan ni Daniel Craig.
Wala naman siyang limitasyon sa pagganap ng kanyang role. Puwede siya sa mga kissing scene na ginawa nila ni AiAi sa My Binondo Girl.
Puwede rin sa mga light romance pero huwag muna sa pagbibilad ng katawan dahil hindi raw fit ang body niya. ’Di rin siya ready kung pagagawin siya ng intimate scenes with another man.
Richard Yap may not be as young as the next actor (Piolo Pascual, Derek Ramsay, Dingdong Dantes, etc.) pero second to none siya pagdating sa charm and grace.
Gerald mag-a-ala Alan Peter
Bibida si Gerald Anderson sa episode ngayong gabi ng Maalaala Mo Kaya, ngayon Sabado (Pebrero 9) tungkol sa isang matatag na pamilyang dumaan sa matitinding pagsubok.
Bibigyang buhay ni Gerald ang karakter ng ikalawang anak ng yumaong dating Senador Rene Cayetano (gagampanan ni Tommy Abuel) na si Alan Peter. Dahil sa palagiang suporta ng kanilang ama, halos simple lamang ang buhay ng magkakapatid na Cayetano. Ngunit sa isang iglap, nabago ang lahat nang ma-diagnose na may sakit sa atay ang kanilang ama.
Bukod kina Gerald at Tommy, bahagi rin ng Maalaala Mo Kaya episode ngayong Sabado sina Jackie Lou Blanco, Justin Gonzales, Carla Guevarra, Sam Concepcion, Pica Lozano, Empress, at Eslove Briones. Ito ay sa direksiyon ni Nuel C. Naval.
- Latest