Angel hindi naniniwala sa numerology!

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng aktres na si Angel Locsin ang dahilang hindi maswerte para sa pag-iisang dibdib ang taong ito kaya hindi pa sila nagpa-plano ng kasal ng kanyang kasintahang si Phil Younghusband.

“Hindi ‘yun dahil sa malas o hindi. Wala pa talaga kaming wedding plans kasi pareho kaming naka-focus sa trabaho. Marami akong gustong gawin ngayong taon at ganoon din naman siya. Hindi naman kami nagmamadali,” ani Angel.

Nang tanungin kung naniniwala ba siya sa numerology katulad ng karakter niya sa Toda Max na si Isabel, sinabi ni Angel na hindi naman daw masusukat ang compatibility sa pangalan. “Basta ang alam ko lang, nag-click kami ni Phil na walang numerology,” aniya.

Sa Toda Max ngayong Sabado (Feb­ru­ary 9) kung saan ipagdiriwang ang Chinese New Year, hindi ‘good vibes’ ang simula ng taon ng magkasintahang Isabel (Angel) at Justin (Vhong Navarro) dahil sa pagdating ng numerologist na si Wei-Da (Rufa Mae Quinto). Hindi raw compatible ang dalawa ayon kay Wei-Da dahil sa panga­lan nila na ang ibig sabihin ay “No Money”. Kukumbinsihin ni Wei-Da si Justin na sila ang nababagay para sa isa’t isa.

Tuluyan kayang maghiwalay sina Isabel at Justin dahil sa numerology? Alamin sa Toda Max ngayong Sabado (February 9) pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

Show comments