GMA Kapuso Foundation tuloy ang pagtulong sa Mindanao

MANILA, Philippines - Patuloy ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa pag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Pablo at sa nakaraang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Davao Oriental at Compostella Valley.

Nitong nakaraang January 29 at 30, namigay ng roofing materials ang GMAKF sa 432 kabahayan sa mga nabanggit na probinsiya upang tulungan silang unti-unting makabangon sa pinsalang dulot ng bagyo.

Umaabot na sa 104,605 ang bilang ng taong na­tulungan ng Foundation kabilang na ang mga naunang nabigyan ng potable water, ready to eat food, damit, hygiene packs, at gamit panlinis. 

Namigay rin ng mga school supplies at nagsagawa ng medical mission ang GMAKF, habang kasulukuyang ginaganap ang ilang relief operations sa iba’t ibang lugar sa Davao. 

Dagdag pa rito, kasama rin sa mga plano ng socio-civic arm ng GMA ang isang school-building project na kanila nang inilatag sa Department of Edu­cation at lokal na pamahalaan ng Davao Oriental.

“Last year, we’ve completed the turnover of classrooms in Iligan, which forms part of our long-term rehabilitation efforts for Sendong victims,” saad ni GMAKF EVP and COO Mel C. Tiangco.

“We hope to extend the same assistance to the victims of Pablo through the long-standing Kapuso School Rehabilitation project.”

As of December 31, 2012, nakalikom na ang GMAKF ng P34,853,166.87 monetary donations, at P8,485,911.29 naman na  donations in kind.

Para sa mga nais magdonate, bumisita lamang sa www.gmanetwork.com/KapusoFoundation.

Show comments