MANILA, Philippines - Naglabas na rin ng official statement ang ABS-CBN sa pagpapalit ng programa ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN starting next month. Nauna nang lumabas dito sa PSN na last episode na ng Sarah G. Live sa Linggo at papalitan na ito ng drama anthology. Pero tatlong linggo munang mamamahinga si Sarah bago eere ang kapalit na programa. Mismong si Mr. Vic del Rosario ang naunang nagkumpirma tungkol dito.
Narito ang official statement ng Kapamilya Network.
“SARAH G Live ends on top of its game with its last episode airing on Sunday, 10 February 2013. After a year of bringing world-class performances to Filipino viewers here in the country and in TFC markets around the world, Sarah Geronimo moves on to fulfill other commitments. The Popstar, who recently renewed her contract with the Kapamilya network, will sit as one of the judges of The Voice of the Philippines, and will soon have her own drama anthology. Sarah is also busy filming her upcoming Star Cinema movie with John Lloyd Cruz, and is set to go on a Sarah G concert worldwide.â€
Si Mr. Bong R. Osorio, head of ABS-CBN Integrated Corporate Communications ang naglabas ng statement.
At kahapon ay trending si Sarah sa Twitter dahil sa emote ng kanyang fans. Malungkot na malungkot daw sila sa pagkawala ng musical show ng kanilang idolo. “Mawawala sa ere ang sarah g. live?! ‪#tvpatrol nooooooooooo!!!!!!!!!hindi puwede!!!hindi ako papayag!!!!!! mataas nman rating nun ha!!!,†sabi ng isang twitter user.
Finalists sa Pinoy Masterchef gustong ipagluto si P-Noy
Tatlo sa Final 4 ng MasterChef Pinoy Edition ang gustong ipagluto si Presidente Noynoy Aquino.
Gustong ipatikim nina Ivory, JR at Myra (ang isa pa ay si Carla) ang kani-kanilang mga luto na ginawa sa nasabing programa na magkakaroon ng matinding pagtatapos sa Sabado, February 9 sa pinakahuling bakbakan sa kusina - The Live Cook-off - 10:00 AM sa SM North Edsa Skydome.
Sa huling pagkakataon ay susubukan nina Judy Ann Santos-Agoncillo at Chef Ferns, Chef Lau, at Chef Jayps ang husay ng apat na pinakamagagaÂling na home cooks sa bansa. At para tulungan silang magdesisyon kung sino ang karapat-dapat na hiranging kauna-unahang Pinoy MasterChef ay magiging hurado sa live na tikiman ang Queen of All Media na si Kris Aquino at Kapamilya actor na si Richard Gomez.
Matapos ang ilang buwang pagsasanay sa MasterChef kitchen, hindi lang galing sa pagluluto kundi kumpiyansa sa sarili ang kanilang nakuha upang makamit ang titulo para sa kanilang mga pangarap at pamilya.
“Masasabi kong naging magaling na akong kusinero dahil sa determinasyon at pagmamahal na naibubuhos ko sa kumpetisyong ito. Hindi ako perfectly skilled at knowledgeable na cook pero masasabi kong ‘yung puso ko ang pinakamalaki sa lahat ng kasali rito,†sabi ni JR, ang Rakistang Kusinero ng Benguet.
Tiwala naman si Carla, ang pinakamatanda sa grupo sa edad na 40, na ang matagal niyang karanasan sa kusina ang magpapapanalo sa kanya. ‘‘Mas matanda ako sa kanila, matagal akong naging home cook. Marami na akong nagamit na ingredients na hindi pa nila nasubukan dati bago ang MasterChef. Marami rin akong alam na basics na ‘di nila alam,†pahayag ng Negosyanteng Kusinera ng Bulacan.
Experience rin sa kusina ang pinanghahawakan ng inang si Myra, ngunit lamang daw ang Chef Accountant ng Muntinlupa pagdating sa disiplina. “Lamang ako sa kanila pagdating sa experience. Iyon yung nagbigay sa akin ng disiplina at magandang karakter sa buhay at sa kusina. Ang isang magaling na chef, hindi lang puro talento o skills, dapat may tamang attitude,†tugon niya.
Hindi naman papatalo ang Kusina Fashionista ng Quezon City na si Ivory na ipinagmamalaki ang malawak niyang kaalaman sa mga putahe ng iba’t ibang bansa. Aniya, “Ang edge ko sa kanila, alam ko ang cuisines ng lahat ng bansa sa mundo. Ang gusto ko rito ay iangat pa ang standards ng Filipino cuisine, hindi lang adobo, kare-kare, o pinakbet. Gusto ko ma-inspire ang mga Pinoy na mag-travel sa pamamagitan ng pagkain.â€
Ngunit kahit gaano man daw kainit ang tensiyon sa pagitan nila, manalo o matalo ay desidido pa rin silang ipagpatuloy ang karanasan at gamitin ang training na naibigay sa kanila ng kusina-serye.
Si JR, ibinahaging nag-resign na sa trabaho dahil sa kagustuhang mag-aral pa at mag-focus sa pagluluto. Si Carla naman, nais palawakin pa ang nasimulan niyang home cooking business.
Pagtatayo naman ng restaurant ang gustong gawin nina Myra at Ivory, na aminadong parehong “naligaw†at napalayo sa kagustuhan nilang magluto.
Ang tatanghaling kauna-unahang Pinoy MasterChef ay magwawagi ng P1 milyon mula sa Clara Oil, kitchen showcase mula sa Whirlpool, at Diploma ProgÂram for Professional Culinary Arts scholarship sa Center for Asian Culinary ÂStudies.