Ang paglalaro ng chess ang bagong stress busÂter ni Congressman Manny Pacquiao. Nang magpunta ako sa taping ng kanyang Sunday night show sa GMA 7, naabutan ko sa dressing room ni Papa Manny ang chess Grandmaster na si Eugene Torre.
Si Eugene lang naman ang kalaban ni Papa Manny sa chess habang naka-break ang taping ng Pambansang Kamao. Take note, walang kinakausap na ibang tao si Papa Manny habang naglalaro ito ng chess as in naka-concentrate lang siya sa laban nila ng isa sa pinakamahusay na maglaro ng chess sa buong mundo. Sosyal ‘di ba?
Chiz wala nang kakaba-kaba pag kasama si Kris
Pasulput-sulpot na lamang si Senator Chiz Escudero bilang co-host ni Kris Aquino sa Kris TV.
Kung hindi naging public servant ang boyfriend ni Heart Evangelista, siguradong may television career siya dahil gamay na gamay niya ang pagiging TV host.
Hindi itinatanggi ni Papa Chiz na gustung-gusto niya kapag nasa harap siya ng mga TV camera.
Nagpapasalamat si Papa Chiz kay Kris dahil sa chance na ibinigay nito na maging co-host siya.
Komportableng-komportable si Papa Chiz sa kanyang hosting job kaya hindi siya nakakaramdam ng pressure.
Pero naniniwala si Papa Chiz na hindi siya para sa mundo ng telebisyon dahil ang public service pa rin ang kanyang number one priority.
Pansamantalang mawawala si Papa Chiz sa Kris TV dahil magsisimula na ang pangangampanya niya para sa kanyang re-election. Malaki ang possibility na bumalik si Papa Chiz sa morning talk show ni Kris kapag natapos na ang eleksiyon.
Siguradong mananalo uli si Papa Chiz dahil hindi nawawala ang kanyang pangalan sa mga survey ng Top 2 senatoriable.
Wala na silang dapat ipag-alala ni Senator Loren Legarda na consistent din sa pagiging number one sa mga survey.
Election ramdam na ramdam na sa mga commercial
Ramdam na ramdam na natin ang nalalapit na eleksiyon dahil sa mga commercial na napapanood natin sa TV.
Hindi lilipas ang isang araw na walang political ad na umeere sa TV dahil isa ito sa pinaka-effective na paraan ng pangangampanya ng mga kandidato.
Hit na hit ngayon ang Zombie Piggy ad ni Senator Koko Pimentel, pagkatapos ng kanyang blockbuster na Zombie TV commercial noong nakaraang taon.
Sa Zombie Piggy, ipinakita ang isang housewife na bumibili sa palengke ng karne ng baboy. Kinumbinsi siya ng nagbebenta na sariwang-sariwa ang ulo ng baboy pero bigla itong nabuhay nang amuyin niya at lumabas ang totoo na double dead ang inilalako sa kanya.
Malinaw ang gustong ipunto ni Senator Koko sa kanyang bagong TV ad: Hindi lang sa eleksyon ang dayaan. Pandaraya rin ang pagtitinda ng mga double dead na karne kaya talung-talo ang mamimili.
Hinihikayat ni Senator Koko ang lahat na gamitin ang kanilang mga “Koko-te†dahil kung walang madaya, masaya ang buhay.
Mark marunong nang magbalanse ng oras
Kagabi ang grand presscon ng Bukod Kang Pinagpala, ang bagong afternoon drama series ng GMA 7.
Magsisimula sa Lunes ang Bukod Kang Pinagpala dahil ito ang papalit sa timeslot ng Sana ay Ikaw na Nga na goodbye TV naman sa Biyernes.
Ang aking inaanak na si Mark Anthony Fernandez ang lead actor sa Bukod Kang Pinagpala.
Na-miss si Mark ng kanyang fans dahil matagal-tagal na rin mula nang mapanood siya sa isang primetime show ng GMA 7.
Marunong nang magbalanse ng oras si Mark. Alam niya kung kailan siya magpapahinga at magpapakasubsob sa trabaho.