MANILA, Philippines - Galit na galit na lumapit sa Pinoy True Stories: Saklolo ng ABS-CBN ang inang si Monina. Reklamo niya, minomolestya ng kanyang asawa ang noo’y anim na taong gulang nilang anak na lalaki.
Iyan ang iimbestigahan nina Maan Macapagal at Dominic Almelor ngayong Miyerkules (Feb. 6). Dati pa raw nakakarinig si Monina ng sumbong mula sa kanilang mga trabahador na nanghihipo ng lalaki ang kanyang asawa pero hindi niya ito binigyang-pansin. Pero hindi niya raw inakala na mismong sa anak nilang si Nathan ay gagawin ito ng kanyang asawa.
Para masigurong hindi na maabuso pa ng asawa ang kanilang bunso, inilayo niya si Nathan at pansamantalang itinira sa bahay ng kaibigan. Kaya lang, ibinaling ng kanyang asawa ang kanyang galit sa dalawa nilang anak na babae na naiwan sa kanilang bahay.
Samantala, uusisain naman ni Karen Davila sa PiÂnoy True Stories: Engkwentro ngayong (Feb. 5) ang away ng magtiyahin dahil sa kanilang mga anak na nagtalo rin. Sa halip na ayusin ang gusot sa pagitan ng mga bata, nagtalo pa ang magtiyahin sa tamang pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Nauwi pa sa baranggayan at bugbugan ang awayan. Maging mabuting ehemplo pa kaya sila sa kanilang mga anak?
Huwag palampasin ang Pinoy True Stories: EngÂkwentro kasama si Karen Davila `ngayong gabi.