^

PSN Showbiz

Sais anyos na totoy, minolestiya ng sariling ama

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Galit na galit na lumapit sa Pinoy True Stories: Saklolo ng ABS-CBN ang inang si Monina. Reklamo niya, minomolestya ng kanyang asawa ang noo’y anim na taong gulang nilang anak na lalaki.

Iyan ang iimbestigahan nina Maan Macapagal at Dominic Almelor ngayong Miyerkules (Feb. 6). Dati pa raw nakakarinig si Monina ng sumbong mula sa kanilang mga trabahador na nanghihipo ng lalaki ang kanyang asawa pero hindi niya ito binigyang-pansin. Pero hindi niya raw inakala na mismong sa anak nilang si Nathan ay gagawin ito ng kanyang asawa.

Para masigurong hindi na maabuso pa ng asawa ang kanilang bunso, inilayo niya si Nathan at pansamantalang itinira sa bahay ng kaibigan. Kaya lang, ibinaling ng kanyang asawa ang kanyang galit sa dalawa nilang anak na babae na naiwan sa kanilang bahay.

Samantala, uusisain naman ni Karen Davila sa  Pi­noy True Stories: Engkwentro ngayong (Feb. 5) ang away ng magtiyahin dahil sa kanilang mga anak na nagtalo rin. Sa halip na ayusin ang gusot sa pagitan ng mga bata, nagtalo pa ang magtiyahin sa tamang pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Nauwi pa sa baranggayan at bugbugan ang awayan. Maging mabuting ehemplo pa kaya sila sa kanilang mga anak?

Huwag palampasin ang  Pinoy True Stories: Eng­kwentro kasama si Karen Davila `ngayong gabi.

ANAK

DOMINIC ALMELOR

FEB

KAREN DAVILA

MAAN MACAPAGAL

MONINA

NATHAN

PINOY TRUE STORIES

TRUE STORIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with