EMHE Philippines, pasok sa 2013 New York Festivals

MANILA, Philippines - Kamakailan lang ay inanunsiyo ng TV5 na nakapasok ang Extreme Make­over: Home Edition (EMHE) Philippines bilang Finalist sa prestihiyo­song New York Festivals. Daan-daang entries mula sa higit 50 mga bansa ang nakasama sa evaluation phase ng festivals kaya’t isang napakalaking karangalan para sa Kapatid Network na ma-shortlist ang EMHE Philippines bilang Finalist. 

“Natutuwa kami na nakapasok as Finalist sa New York Festivals ang EMHE Philippines. Pinagma­malaki ng TV5 kung paano na­katulong ang programa sa mga deserving na pamilya at komunidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa,” sabi ni TV5 FVP for Creative and Entertain­ment Production Perci Intalan. “Dagdag-mo­tivation ang pa­ra­ngal na ito para pagbutihin pa namin ang paglilingkod sa ating mga Kapatid na manonood,” dagdag niya.

Napatunayan ng programa na kayang makapagbago ng buhay ang pagkakaroon ng bagong bahay. Bawat episode ng EMHE Philippines, natutulu­ngan ang piling mga pamilya at komunidad na makapagsimulang-muli. 

Pinangungunahan ang programa ng batikang TV host na si Paolo Be­diones, kasama ang Design Team ng programa: sina Tessa Prieto-Valdez, Divine Lee, Tristan Jovellana, Marilen Faustino-Montenegro, at Joby Belmonte.

Malalaman kung sino ang mga mananalo sa Festivals sa darating na Abril.

Show comments