^

PSN Showbiz

Aktor hindi pa rin makaahon sa bisyo kaya inaayawang magkatrabaho!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lulong pa rin sa droga ang isang magaling na aktor. ‘Yun nga lang, dahil sa patuloy na bisyo, para siyang may malubhang sakit na iniiwasan na kunin ng mga movie o TV producers upang magbida sa isang project.

May nag-suggest sa name ng aktor na kunin para sa isang pelikulang gagawin. Agad siyang ti­nanggihan ng line producer at isiniwalat ang nakara­ang karanasan nu’ng makatrabaho ang magaling na aktor.

Umaga raw nang kinol time ang aktor. Pero gabi na nang mag-report sa set. Tapos, bigla pa raw nawala sa location. Nang makita ang aktor, lumalabas sa sasakyan na may dalang syringe, huh! Since then, blacklisted na ang aktor sa line producer kahit ipagpilitan pa siya ng mismong producer, huh!

Ang obserbasyon ng marami, mis­gui­d­­­­­ed ang aktor. Wala raw kasing magulang na guma-guide sa kanya lalo na’t galing siya sa broken family. Nanghihinayang man ang gustong kumuha sa serbisyo ng aktor, ibang aktor na lang ang pinagpilian nila kesa naman kumuha pa sila ng bato na ihahampas sa kanilang ulo, huh!

Heart panay ang tawag kay Sen. Miriam

Sementado na talaga ang friendship nina Senator Miriam Defensor Santiago at Heart Evangelista. Kung matatandaan, si Sen. Miriam ang naging daan upang magkakilala sina Heart at Senator Chiz Escudero, huh! As we all know, the rest is history dahil lovers na ang dalawa ngayon.

May bago kasing docu-drama ang GMA News TV, ang Wagas. Nag-taping na ng unang episode para sa programa na pagbibidahan nina Heart at Geoff Eigenmann na magkasama sa GMA primetime drama na Forever.

Sa pilot episode, ang love story ni Senador Miriam at Jun Santiago ang tampok. Si Heart ang lalabas na young Miriam kung saan ginaya pati hairstyle ng senadora.

Eh, dahil nga may puntong Bisaya ang senadora, tinatawagan parati ni Heart si Sen. Miriam upang magpaturo ng tamang punto sa mga linya!

Kaya naman si Heart, anumang panukala sa Se­nado ni Sen. Miriam, suportado niya ito lalo na ang bagong batas tungkol sa Reproductive Health Bill. After all, ang senadora ang nagbigay-kulay sa bagong pag-ibig ng aktres kay Senador Chiz, huh!

AKTOR

GEOFF EIGENMANN

HEART

HEART EVANGELISTA

JUN SANTIAGO

MIRIAM

REPRODUCTIVE HEALTH BILL

SENADOR CHIZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with