^

PSN Showbiz

The Buzz magasin may pasabog kay Sarah

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Popstar na si Sarah Geronimo ay unti-unti nang nagiging independent woman, at ito ay ni-reveal niya sa February issue ng The Buzz Magasin.

Makakatambal uli ni Sarah si John Lloyd Cruz sa pangatlong pagkakataon sa It Takes A Man and A Woman ng Star Cinema. Sa bagong issue ng The Buzz, ikinuwento ni Sarah ang pangingibang-bansa niya kamakailan na hindi kasama ang ina na si Divine.

Six days nanatili sa Brazil si Sarah kasama ng ilang kaibigan. “Siyempre noong umpisa, ‘yung idea na ako lang mag-isa, natakot ako,” sabi ni Sarah. “Pero sabi ko, I will take this challenge. Kailangang matuto na akong i-conquer ang fear na ito kasi I’m not getting any younger.”

Ang February issue ng The Buzz Magasin ay nag­lalaman din ng mga juicy na chismis, blind items at kuwento tungkol sa iba pang paborito n’yong artista, gaya nina Kris Aquino, KC Concepcion, Julia­ Montes at sa hot young loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nakatakda nang simulan ang launching movie nila sa ilalim ng Star Cinema.

Halagang P70 ang The Buzz Magazine.

ANG FEBRUARY

ANG POPSTAR

BUZZ MAGASIN

BUZZ MAGAZINE

DANIEL PADILLA

IT TAKES A MAN AND A WOMAN

JOHN LLOYD CRUZ

KATHRYN BERNARDO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with