Gagawin daw ni Andi Eigenmann para sa Viva Films ang remake ng 1983 Danny Zialcita movie na Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi. Ang narinig namin, baka makasama ni Andi sa cast si Cristine Reyes na kapwa niya taga-Viva. Si Andor Ranay na pumirma na rin ng kontrata sa Viva ang magdidirek ng pelikula.
Nag-Google kami at nalamang sina Dindo Fernando, Laurice Guillen, Janice de Belen, Gloria Diaz, Tommy Abuel, at Eddie Garcia ang bida sa lumang pelikula. Nabasa rin namin ang mga pangalan nina Liza Lorena at Michael de Mesa.
Show nila Kris hinabaan!
Extended pala ang Kailangan Ko’y Ikaw, kung ang pagbabasehan ay ang tweet ni Kris Aquino na 13 weeks eere ang soap nila nina Anne Curtis at Robin Padilla. Sa interview sa TV host-actress, sinabi nitong 10 weeks lang ang itatakbo ng soap nila.
Geoff problemado sa katabaan
Natawa kami sa sagot ni Geoff Eigenmann sa tanong kung ano ang feedback ng viewers sa kanya sa Forever at sa pagganap niya sa role nina Ramon at Patrick?
“Marami ang nagagandahan, pero ang madalas kong marinig, malaki ako. Naparami ang kain ko noong Holiday last year kaya nagwu-workout ako, nagba-bike for 30 minutes at nagda-diet. Less carb ang kinakain ko ngayon and more on protein. Kailangan kong magbawas ng 20 lbs., mahirap. I have to eat for energy dahil napupuyat ako sa taping, pero kailangan kong magbawas ng calorie. Gusto ko ring mag-boxing,†sagot ni Geoff na halatang pinu-problema ang timbang.
Narinig naming minsan, hindi na kumakain si Geoff, pinayuhan siya ng staff na kumain kahit crackers lang para hindi lang siya magutom. Pinayuhan din siyang ‘wag mag-skip ng breakfast para hindi mapaÂrami ang kinakain sa lunch.
Samantala, given the chance, gustong mag-host ng game show ni Geoff. May idea na siya ng show na iho-host sa kapapanood sa Discovery Channel.
Baron pinatino ni Derek
Good influence kay Baron Geisler si Derek Ramsay, marami raw naituro ang bida ng Kidlat mula nang magkasama sila sa drama series ng TV5 at Archangel Media. “Kuya†ang tingin at turing niya kay Derek at ito ang nagturo sa kanyang mag-sorry kay Divine Lee.
May pinatawagan si Derek sa kanya, mag-set up ng meeting at pati kung ano ang sasabihin ay itinuro sa kanya. “Sabi niya, ‘pag nagkita kayo kausapin mo, mag-promise ka na ‘di mo na uulitin. Kung ibang aktor ‘yun, walang pakialam, pero si Derek nagpakita ng concern. Sinunod ko ang payo niya dahil nahihiya ako kundi ko siya susundin,†sabi ni Baron.
Kaya naman ganoon na lang ang paghanga ni BaÂron kay Derek. Hindi raw mahirap idolohin ang aktor na “good person and has a good heart.†Magandang compliment naman kay Baron ang pagkukumpara ni Derek sa kanya kay Johnny Depp.