^

PSN Showbiz

May nakakaalala pa ba? Trahedya sa ULTRA nakaka-pitong taon na

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Ang bilis talaga ng panahon. Kahapon pala ang ikapitong taong anibersaryo ng trahedya sa ULTRA ng dating programa ni Willie Revillame na Wowowee.

February 4, 2006 nang mangyari ang naturang trahedya sa Philsports Stadium na kumitil sa mga kawawang 78 na katao at halos umabot sa 500 ang nasugatan.

Karamihan sa mga nagbuwis ng buhay ay mga matatanda.

Ano na kaya ang nangyari sa mga naiwan ng mga namatay? Wala nang balita sa kanila. Kahapon ay parang wala nang nakaalala sa mga nangyari seven years ago.

Sana ay naalala silang tulungan at maipagdasal man lang.

Naalala kaya silang tulungan ni Willie Revillame na isa sa pinakamayamang TV host sa kasalukuyan? Sana.

Ano na nga bang nangyari sa mga kasong isinampa ng pamilya ng mga biktima?

Anniversary noon ng programang Wowowee na ang intensiyon sana ay makatulong sa maraming manonood sa programa pero nauwi sa trahedya. Umabot sa 30,000 tao ang sumugod noong February 4, 2006.

Hindi naman nagpabaya ang ABS-CBN sa nangyari. Nagtatag sila ng  71 Dreams Foundation na pinamahalaan ni  Fr. Tito Caluag.

Viva aariba sa paggawa ng pelikula

Mas maraming pelikula ang gagawin ngayong taon ng Viva Films. Mismong si Tita June Torrejon ang nagsabi, vice president for films.

Last year ay tagumpay ang mga pelikula nilang ipinalabas  ­— Moron 5 and the Crying Lady, Rigodon, Of All the Things, A Secret Affair, This Guy’s in Love with You Pare, El Presidente, at Sisterakas.

Mauuna sa kanila ngayong 2013 ang third installment ng pelikula nina John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo, It Takes a Man and a Woman. Co-prod sila ng Star Cinema.

Maging si Dingdong Dantes ay kumpirmadong gagawa ng pelikula sa kanila. At hindi lang isa, dalawa pa. Ang mauuna ay naka-schedule ipalabas ngayong taon though wala pang masyadong detalye.

Pero ayon  sa previous statement ng actor, nakikipag-usap sila para makatambal niya si Anne Curtis. Kung saka-sakali, first time nilang magtatambal sa pelikula.

Maging si Cristine Reyes ay may dalawa ring pelikula sa Viva na ipalalabas this year. Ang isa sa mga project ay kasama si Derek Ramsay.

Handa na rin si Direk Wenn Deramas para sa pelikulang Girl Boy Bakla Tomboy na pagbibidahan nina Ma­ricel Soriano, Vice Ganda, and Gabby Concepcion. Apat ang magi­ging character ni Vice (Girl, Boy, Bakla, Tomboy) at si Maricel ang magiging nanay niya at si Gabby ang tatay!

So maraming pelikulang aabangan ngayon taon mula sa Viva.

Dingdong at Sarah kinilala ng NCCA para sa National Arts Month

Speaking of Sarah and Dingdong, kamakailan ay inanunsiyo ng NCCA ang muling pagiging youth ambassador ng actor habang si Sarah ay pinangalanan bilang Goodwill Ambassadress for Music.

Ayon kay Sarah malaking karangalan sa kanya ang kilalanin ng National Commission for Culture and Arts (NCCA).

Ang naturang pagkilala sa kanila ni Dingdong ay bilang bahagi ng National Arts Month ngayong Pebrero.

A SECRET AFFAIR

ALL THE THINGS

ANNE CURTIS

ANO

CRISTINE REYES

CRYING LADY

NATIONAL ARTS MONTH

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with