Kris, Freddie, at AiAi sasalain na ang bagong PGT contestants

MANILA, Philippines - Muling nagbabalik ang Big Three judges ng Pilipinas Got Talent para sa isa na namang edisyon ng pinakamalaki at pinakaengrandeng talent reality show sa bansa na mapapanood malapit na sa ABS-CBN. Uupong muli sa judges panel sina Queen of All Media Kris Aquino, Comedy Queen AiAi delas Alas, at The Expert Freddie “FMG” Garcia para salain ang mga lalahok at piliin kung sino sa kanila ang may talentong puwedeng ipagmalaki ng bawat Pilipino sa buong mundo.

Dahil sa mapanuring mata ng Big Three kung kaya’t natupad ang pangarap at nabago ang mga buhay ng maraming finalists. Kaninong pangarap ang su­nod na matutupad at kaninong buhay ang sunod na mababago? Pakaaabangan ang Pilipinas Got Talent 4 malapit na sa ABS-CBN.

Show comments