TF lang sa isang endorsement ang ipinambili: Marian niregaluhan ang sarili ng bagong model ng Mercedes Benz

Kung ang bagong Mercedes Benz GLK 220 SUV ang gagamitin ni Marian Rivera sa natitirang shooting days nila ni Richard Gutierrez ng My Lady Boss, hindi na sila maliligaw sa pagpasok sa kani-kanilang van. Nakuwento ng dalawa na dahil pareho ang GMC Ford black van nila, minsan, naliligaw sila.

Si Marian, pumupunta sa van ni Richard at ang aktor sa van naman ni Marian minsan pumapasok. Nagkakagulatan na lang sila na ibang van pala ang napasukan. Bale ba, madalas magkatabi ang parking ng dalawang van kaya na­liligaw sila. Kaya siguro noong bumisita kami sa shooting ng pelikula nila, ang van lang ni Marian ang may plate number, ‘yung kay Richard ay wala.

Anyway, Christmas gift ni Ma­rian sa sarili ang SUV (sports utli­ty vaehicle) at noong isang araw lang nai-deliver at sa shooting pa ng My Lady Boss, sayang at hindi namin nakita. Gusto nito ng smaller car para nakakapag-drive siya. Bago nabili ang SUV, hinintay muna ni Marian ang talent fee niya sa isang endorsement dahil ayaw galawin ang ipon niya sa bangko.

Okay na nga si Marian dahil mabilis na namang magsalita, may pasigaw-sigaw pa at tawa nang tawa. Pati si Richard, naaliw sa kanya. Kaya lang dapat nang mag-ingat si Marian para hindi na siya sumpungin.

May cut-off na siya sa taping ng Temptation of Wife, from 9:00 a.m.-12 m.n., ang taping niya para maagang nakakatulog at naiinom sa oras ang gamot. Ang hindi nito magawa ay ang payo ng doctor na three-week rest. Inamin ni Marian na natakot siya sa pananakit ng ulo dahil ngayon lang siya nagkasakit sa loob ng seven years.

Sinabi nga pala ni Richard na maski siya ay nagtaka kung bakit after five years lang nasundan ang movie nila ni Marian. Refreshing daw sa kanya na gumawa ng rom-com after the sexy Seduction at natutuwa siya dahil hindi nawala ang chemistry nila ni Marian at mas lumalim pa ang friendship. Kita ito sa hiritan nilang dalawa.

Derek dinala sa pamilya si Nadine

“We’re getting closer” ang description nina Derek Ramsay at Nadine Samonte sa kanilang relasyon sa ngayon. In fairness, pareho silang gumagawa ng paraan para mas maging closer pa sila.

Last Saturday, nagulat si Nadine nang sumunod sa kanya si Derek sa Nuvali sa may Sta. Rosa, Laguna kung saan siya nag-wakeboarding dahil wala naman siyang taping ng Kidlat. Si Derek ang may taping pero nagpaalam ng four hours kay Direk Mike Tuviera at may pupuntahan daw. Hindi nila alam na sa Nuvali pupunta ang aktor at talagang nag-travel siya from Quezon City.

Sa four hours na paalam ni Derek, two hours siya nag-stay with Nadine at ‘yung two hours ay biyahe niya papunta sa Nuvali at pabalik sa taping. Tsika sa amin, dinala na ni Derek sa bahay nila sa Paraῆaque si Nadine. Pumupunta rin siya sa bahay ni Nadine at minsan ay magkasamang nag-golf.

Paano ’yan at one week sa Marinduque si Nadine para sa shooting ng indie film niyang Siyam? Kapag sumunod pa si Derek doon, wala na kaming masabi.

Forever iibahin na ang kuwento?

Maraming request sa production staff ng Forever at kay Direk Ricky Davao na ibalik sa soap ng GMA 7 si Marc Abaya. Nagalingan sa kanya ang viewers ng soap at kahit si Heart Evangelista ay gustong bumalik si Marc.

Kailangang pag-isipang mabuti kung paano ibabalik si Marc dahil patay na ang karakter niya na lumabas sa first part ng story at lumalabas na apo na niya si Gian Magdangal na makakaribal ni Geoff Eigenmann kay Heart sa present time.

Show comments