Budoy napansin sa New York festivals

MANILA, Philippines - In fairness sa aktor, puwede na talagang magmalaki si Gerald Anderson na meron siyang ibubuga sa drama. Patunay dito ang nakuhang nominasyon ng Budoy sa New York Festivals 2013 bilang nominado ang nasabing serye niya sa Drama category.

Yup, kasama ang Budoy sa entertainment and news programs ng ABS-CBN na napansin sa prestihiyosong festival.

Walo sa programa nila ang nakakuha ng slot — Johnny: The Juan Ponce Enrile Story (Biography/Profiles category); Failon Ngayon: Mine Tailings (Current Affairs category); Ang Simula (History and Society category); at Krusada: Child-Headed Homes  (Social Issues category).

Bukod naman sa Budoy nominado rin ang Be Careful With My Heart (Telenovelas category).

Nakakuha rin ng nominasyon ang ABS-CBN sa Best Performance by an Actress para sa Maalaala Mo Kaya. Finalist din ang A Call to Arms sa Sports Program Promotion category.

Walong nominasyon ang nakuha ng ABS-CBN, tatlo ang GMA, at isa ang TV5.

Ang lahat ng finalists ay gagawaran ng finalist certificates at lahat ito ay may pagkakataong maiangat at magawaran ng gold, silver, o bronze na medalya. Kilalanin ang magwawagi sa gabi ng parangal na gaganapin sa April 9 sa NAB show sa Las Vegas, Nevada.

Singer naging ‘kawawa’ sa presscon

Magkasunod na araw na nasa presscon ang isang singer. Alam mong nag-effort siya sa suot na damit at siyempre nagpa-makeup pa. Okay naman, nakasama niya sa presidential table at nagkaroon naman siya ng chance magamit ang microphone. ’Yun nga lang, isa o dalawang beses lang yata siya nakapagsalita sa mic.

After the presscon ay hindi na rin naman siya na-interview ng mga imbitadong press. Kaya ang ending ay wala siyang writeups na lumabas. So, parang nasayang ang effort na magbihis ng singer na siguradong nag-expect na kahit paano sana ay mai-interview siya.

Himig handog may pasisikatin

Mukhang may planong pasikatin ng ABS-CBN ang baguhang singer-composer na si Wyn Andrada na bahagi ng Himig Handog 2013, ang pinakamalaking multimedia writing competition na sinimulan ng ABS-CBN.

Maganda agad ang exposure niya nang pakantahin siya sa ASAP sa Dinagyang Festival. Kaya naman halatang-halata na kabado siya. At nakipagsabayan agad siya sa mga professional singer.

Sinabi ni Wynn na hindi lang naman talaga pagiging singer ang pangarap niya, gusto rin niyang maging artista. Siya ang composer at interpreter ng isa sa mga kanta na kasama sa 12 finalists.

Anyway, bahagi ng pagdiriwang ng 60 taon ng Kapamilya Network sa television ang muling Himig Handog ngayong 2013 na may temang P-Pop Love Songs: Mga Awit at Kwento ng Pusong Pilipino.

Namili sila ng 12 na kanta na isinama nila sa isang CD at kabilang dito ang Alaala nina Ma. Fe Mechenette Tianga, Melvin Huwervana, at Joel Jabot, Jr. ng Iloilo; Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa ni Jovinor Tan ng Malabon; If You Ever Change Your Mind ni Marion Aunor ng Makati City; Hanggang Wakas ni Soc Villanueva ng Australia; Kahit Na ni Julius James de Belen ng Quezon City; Nasa Iyo Na ang Lahat ni Jungee Marcelo ng Pasig City; One Day ni Agatha Obar Morallos ng Baguio City; Puwede Bang Ako Na Lang Ulit ni Jeffrey Cifra ng Cavite; Sana’y Magbalik ni Arman Alferez ng Caloocan; Scared to Death ni Domingo Rosco, Jr. ng Bohol; Tamang Panahon ni Wynn Andrada ng Makati City; at This Song is For You ni Jude Gitamondoc ng Cebu City.

Kasama naman sa nagbigay buhay sina Angeline Quinto, Aiza Seguerra, Erik Santos, Yeng Constantino, Juris, Toni Gonzaga, Bugoy Drilon, Jovit Baldivino, KZ Tandingan, at Daniel Padilla.

Bukod sa Himig Handog P-Pop Love Songs CD na mabibili na ngayon sa record bars nationwide sa halagang P250, ang 12 song finalists ay mapapanood na rin sa mga music video nito na likha ng mga estudyante ng ilan sa mga unibersidad sa Pilipinas kabilang ang University of The Philippines, Ateneo de Manila University, De La Salle University, University of Santo Tomas, Polytechnic University of the Philippines, San Beda College, Far Eastern University, University Of The East – Caloocan, MINT College, Philippine Christian University, Adamson University, at Technological Institute of The Philippines.

Bukod sa grand prize ay may mga special award na ibibigay para sa song finalists na pinili ng taumbayan.

Ang Himig Handog P-Pop Love Songs grand finals ay gaganapin sa Pebrero 24 (Sunday) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at mapapanood ito ng live sa Channel 2.

Sports Unlimited, bagong walang tulugan

Hindi naman pala ang programang Walang Tulugan with Master Showman ni German “Kuya Germs” Moreno ang hindi natutulog kundi ang Sports Unlimited nina Dyan Castillejo at Marc Nelson ng ABS-CBN.

Aba, tapos na ang Walang Tulugan pero ang sports show na dating katapat nang panghating-gabing show ng GMA 7 ay hindi nangangalahati.

Umabot na halos ng 2:00 a.m. ang Sports Unlimited.

By the way, 17 years na pala ang Walang Tulugan. Hamakin mo, umabot ang programa nang ganun katagal? Congrats to Kuya Germs at patuloy siyang tumutulong sa mga singer na baguhan na ang iba ay galing pa ng iba’t ibang probinsiya.

Kim at Maja, nabiktima!

 Ngayong gabi na magaganap sa Ina, Kapatid, Anak ang pinakaaabangang mga tagpo ng fans nina Kim Chiu at Maja Salvador. Sa episode na tinaguriang Gabi ng Pagbubunyag ng Lihim, isang pangyayari sa nakaraan ang magsisiwalat ng malaking lihim na babago sa takbo ng buhay ng lahat ng karakter sa No. 1 Primetime Bida family drama series ng ABS-CBN. 

Ano ang tunay na naganap noong gabing ipinanganak ni Teresa (Cherry Pie Picache) si Celyn (Kim)? Tungkol saan ang malaking sabwatan nina Beatrice (Janice de Belen) at Oscar (Jayson Gainza)? Sa huli, sino kina Celyn at Margaux (Maja) ang tunay na naging biktima ng mga pangyayari sa nakaraan?

                                                                                                      

 

Show comments