^

PSN Showbiz

LT itinaga na sa bato, never nang mag-aasawa pa

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Nakakuwentuhan namin si Lorna Tolentino sa taping ng Pahiram ng Sandali at sinabi na mas matitinding eksena pa ang kahaharapin niya kung saan wala nang katapusan ang kanyang pagluha.

Nagbibigay din pala ito ng suggestion sa mga writer kung saan binibigyan ng halaga ang legal na pagsasama ng isang mag-asawa at sana sa ending ng story ay hindi ang kabit ang mananaig sa kanilang pagsasama. Mag-asawa kasi sila ni Christopher “Boyet” de Leon na si Alessandra de Rossi ang the other woman sa buhay ng aktor.

‘‘Noong unang mga taon ay nakatago lang ang isang kabit at takot lumantad pero sa Pahiram ng Sandali palaban siya,’’ sabi ni LT.

Tinanong din namin ang magandang aktres kung may nagpaparamdam na ba sa kanya. Limang taon na siyang balo ni Rudy Fernandez.

‘‘Ayaw ko nang mag-asawang muli. Masaya na ako sa buhay ko. I don’t think iiwan ako ng mga anak ko. Mahal na mahal nila ako kaya kuntento na ako. ’Pag kumuha pa ako ng asawa para akong kumuha ng batong ipupukpok sa ulo,’’ pahayag ng magaling na aktres.

Kapag weekend ay nasa kanya ang apo na isang taong gulang na at minsan ay nagba-bonding sila sa kanyang farm sa Gen. Aguinaldo sa Cavite at may poultry din siya, kasosyo ang mga kaibigan.

Baguhang aktor excited na sa unang pelikula

Guwapo at ala-Coco Martin ang baguhang aktor na si Norris John na bida na ngayon sa film na Gabriel mula sa Sunstar Films. Leading lady niya si Joyce Ching ng GMA 7.

Nakalabas na sa ilang indie film si Norris at may potensiyal naman sa acting kaya nabigyan ng malaking break. Ang Gabriel ay kuwento ng isang batang lalaki na nagkaroon ng malaking problema sa kanyang pamilya at nabigyan ng matinding pagsubok.

Excited na ang aktor sa unang pelikula na palabas na sa Pebrero 6, mula sa panulat at direksiyon ng kapatid sa hanapbuhay na si Ronald Rafer.

 

vuukle comment

ANG GABRIEL

COCO MARTIN

JOYCE CHING

LORNA TOLENTINO

NORRIS JOHN

PAHIRAM

RONALD RAFER

RUDY FERNANDEZ

SANDALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with