Aktres nire-request na katayin na lang, ayaw na sa exposure at TF
Ano kaya ang problema ng aktres na ito at ayaw nang hintaying magtapos ang kinasasalihang teleÂserye? Gusto niyang patayin na lang ang kanyang kaÂÂrakter. Tila hindi ito nanghihinayang sa tatanggapin pang talent fee at exposure niya sa TV dahil Monday to Friday siya napapanood.
Hindi man ang aktres ang pinakabida sa teleserye, hindi rin maliit ang kanyang role at napapansin siya ng viewers. Hindi rin nito ikinatakot na baka dahil sa gagawin ay hindi na siya uli kunin ng network.
As of today, napapanood pa ang aktres at nagti-taping pa siya dahil hindi ganoon kabilis mapagbibigyan ang kanyang request. Masisira ang takbo ng istorya kung bigla na lang mawawala ang kanyang karakter, magtataka ang viewers.
Boyet hindi na mapigilan ang desisyon ng anak sa beauty pageant
Hindi naman siguro spoiler sa Pahiram ng Sandali na mamaÂmatay ang karakter ni Christopher de Leon. Kailangan daw maÂmaÂtay ni Philip (Christopher) dahil tatakbo nga siyang congressman sa second district ng Batangas at bawal nga sa mga artistang tatakbo na patuloy silang lumalabas sa TV o pelikula.
Ang hindi namin isinulat ay ang paraan ng pagkamatay ng kanyang karakter, basta abangan n’yo na lang at medyo madugo. Isa ang mangyayari sa karakter ni Boyet sa magpapaiyak sa sumusubaybay sa teleserye sa pagtatapos sa March 15.
Hindi lang ang darating na election ang nagbibigay ng excitement kay Boyet, pati ang Bb. Pilipinas beauty pageant dahil kasali ang anak nila ni Sandy Andolong na si Mariel de Leon.
“Dati sabi niya, ‘I want to be a model.’ Biglang ngayon, ‘Can I join Bb. Pilipinas?’ May nag-tap na handler sa kanya at nakapasok. Tapos na siya ng culinary arts sa New Zealand hindi na namin siya mapigilan. Manonood kami ni Sandy,†sabi ni Boyet.
Three months hindi mapapanood si Boyet at umaasa itong kapalit nang pansamantala niyang pagtalikod sa showbiz ay ang pananalo at pagiging Congressman Christopher de Leon.
Heart magso-short Valentine trip kasama si Sen. Chiz
“Forever†at “Adora†ang tawag kay Heart Evangelista ng tao ’pag nakikita sa labas, bagay na ikinatutuwa ng aktres dahil ibig sabihin alam ng tao ang title ng primetime soap nila ni Geoff Eigenmann at ang pangalan niya sa Forever na napapanood bago ang 24 Oras.
Sa pilot week pa lang ng primetime soap, satisfied na si Heart sa magandang feedback ng viewers sa costume, visual, acting ng cast, at ganda ng story. Nagbunga ang paghihirap at pagkaka-career ng lahat para mapaganda ang Forever. Kaya naman very proud siya sa soap.
Ang panghihinayang ni Heart, wala silang eksenang magkasama ni Gloria Romero dahil ang veteran actress ang gumaganap na old Adora. TwelÂve years ago ang huli nilang pagsasama sa sitcom sa ABS-CBN, kaya ang wish ni Heart, magkaeksena sila ng aktres na kung i-describe ay “mabait at “nakakaaliw kausap.â€
Humingi ng ilang araw na bakasyon sa taping ng Forever si Heart para mag-celebrate ng birthday sa San Francisco, California, USA. Bago ang birthday sa Feb. 14, aalis sila ng BF na si Sen. Chiz Escudero at sa araw ng kaarawan ay nakabalik na sila.
Short trip ang kanilang gagawin dahil may taping siya at ang senador ay magsisimula nang maging busy sa kampanya at ayaw niyang makasagabal. Para lang maÂsabing nakaalis siya, kasama ang nobyo.
Samantala, napangiti si Heart nang mabanggit ang panliligaw ni John Prats kay Isabel Oli na kasama niya sa Forever. Minsan nang bumisita sa set ang aktor na na-link sa kanya at botong-boto siya sa dalawa.
Nadine pag-aagawan ng tatlong nanay
Bongga ang TV5 at Regal TV dahil kukunan sa Russia ang ilang eksena ng bago nilang soap na Minsan May Isang Ina. Kumpleto na ang cast ng tatlong ina na mag-aagawan sa iisang anak at sila’y sina Ara Mina, Bing Loyzaga, at Gelli de Belen.
Kaya lang hindi na rin si Eula Caballero ang gaganap na anak na pag-aagawan, si Nadine Samonte na raw. Walang magiging conflict sa Kidlat dahil eere raw ang Minsan May Isang Ina after the drama series na pinagbibidahan ni Derek Ramsay.
Kung inyong natatandaan, nabalitang ang Minsan May Isang Anak ay ini-offer kay Lovi Poe pero dahil nasa GMA 7 pa, napalitan ni Eula at ngayon ay si Nadine na nga ang bida.
- Latest