SEEN: Hindi makatotohanan na si Daniel Padilla ang maghahatid kay Kathryn Bernardo sa altar sa araw ng kasal nito kay Enrique Gil sa huÂling araw sa telebisyon ng Princess and I.
SCENE: Roxanne ang pangalan ni Kris Aquino sa Kailangan Ko’y Ikaw ngunit Ruth ang sinabi ni Anne Curtis nang tawagan nito sa telepono si Karla Estrada sa episode noong Friday.
Ruth ang pangalan ni Anne sa Kailangan Ko’y Ikaw. Hindi napansin ng direktor ang pagkakamali ni Anne.
SEEN: Tila hinahapo si Edu Manzano sa isang episode ng Good Morning Club ng TV5. May hika ang TV host-actor.
SCENE: Si Gretchen Barretto ang bida sa Diplomat Hotel, ang official entry sa New Breed Category ng 2013 Cinemalaya Independent Film Festival.
Ito ang unang indie movie ni Gretchen na gaganap bilang senior television reporter.
SEEN: Si Christopher Ad Castillo ang diÂrektÂor ng Diplomat Hotel. US-based filmmaker si Christopher at siya ang panganay na anak ni Celso Ad Castillo.
Si Christopher ang best supporting actor winner ng 1986 Metro Manila Film Festival dahil sa pagganap niya sa Bagets Gang.
SCENE: Recording artist na si Alden RiÂchards. Pumirma siya ng kontrata sa Universal Records noong Biyernes.
SEEN: Haharap sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) officials sa Martes, Feb. 5, ang mga producer ng Party Pilipinas para magpaliwanag dahil sa reklamo tungkol sa sexy production number nina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Party Pilipinas noong Jan. 27.
SCENE: Si Gerald Anderson ang gumanap na Sen. Allan Peter Cayetano sa life story nito na isinadula sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.