MANILA, Philippines - Tagumpay ang sumalubong sa DZMM sa pagbubukas ng taong 2013 dahil bukod sa pananatili nitong numero uno sa ratings sa buong Mega Manila, nagwagi rin ito ng apat na parangal kamakailan sa UPLB Gandingan Awards, kabilang na ang pinakamataas na parangal na Best AM Station.
Pinarangalan ng taunang Gandingan Awards si Ted Failon bilang Best AM Announcer, ang Radyo Negosyo bilang ang Most Development-Oriented AM Program, at ang anchor nitong si Carl Balita bilang ang Gandingan ng Kabuhayan.
Panalo rin ang DZMM sa ratings matapos itong magtala ng 33.3 percent na audience share sa Mega Manila noong Disyembre 2012, base sa huling datos ng Nielsen Radio Audience Measurement.
Kasabay ng mga tagumpay na ito ay ang pagsisimula ng mas pinasiksik at mas pinalakas na morning block (4:00 a.m.-12:00 n.n.) ng DZMM.
Pagpatak ng 4:00 a.m. sa Gising Pilipinas, mangunguna na ang DZMM Traffic Angels na sina Raki, Tina, at Bea. Papasok naman ang anchors ng progÂrama na sina Ricky Rosales at Johnson Manabat upang iulat ang pinakahuÂling balita mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Itatampok naman sa unang bahagi ng Dos Por Dos simula 5:00 a.m. ang pinakamaiinit na balita kasabay ng inyong pag-aalmusal.
Humahambalos na komentaryo ng Kumbachero ng Bayan na sina Anthony Taberna at Gerry Baja ang magbibigay gabay sa publiko upang lubos na maintindihan ang samu’t saring isyung panlipunan.
Sumasagitsit na balita, komentaryo, talakayan at mga eksklusibong paÂnayam naman ang hatid ni Kabayang Noli de Castro sa Kabayan sa ganap na 6:00 a.m.
Magkasangga naman mula 7:00 a.m. hanggang 7:30 a.m. sina Kabayan at Ted Failon sa Radyo Patrol Balita.
Patuloy naman ang malalimang pagsusuri ni Ted Failon sa Failon Ngayon sa DZMM tuwing 8:00 a.m.
Isasalang naman ni Korina Sanchez ang pinakamahahalagang problema at isyu ng taumbayan upang magbigay ng kaalaman o inspirasyon sa Rated Korina, 10:00 a.m. Isang taon na ang nakalipas nang muling sumabak si Korina sa radyo at ngayo’y patuloy na pinapasaya ang mga manonood at tagapakinig sa pamamagitan ng pamimigay ng papremyong cash na P3,000 kada araw.
Mula sa buong umagang puno ng balita at kaalaman, serbisyo publiko naman ang handog nina Julius Babao at Kaye Dacer sa Aksyon Ngayon para sa mga kababayang higit na nangangailangan ng tulong.