Dahil kay Kris, Daniel mas nagmukhang yummy

Kung kailan sila nagkahiwalay ni Heart Evangelista at saka pa­rang naging yummy si Daniel Matsunaga. Ang daming babaeng nag­kakagusto sa kanya ngayon. Siguro dahil lumaki ang katawan niya, hindi na siya patpatin, at naging mas guwapo.

Pero sa lahat ng katangian na gustung-gusto ng lahat sa Brazilian/Japanese hunk, ito ay ang pagiging maginoo niya at hindi mayabang. Malaki ang pasasalamat niya kay Kris Aquino dahil malaki ang nai­tulong nito sa career niya.

Show ni Pacman, hindi na original?

Para palang isang programa sa Singko ’yung bagong programa ni Manny Pacquiao sa GMA, ang Para sa ’Yo ang Laban Na Ito.

Nakapanood ako ng trailer na kung saan ay may mga kasong idinudulog sa kanya at bibigyan niya ng desisyon sa bandang huli.

Sana nga makatulong ang programa para maibalik sa boksinge­ro ang kanyang kasikatan sa TV. Tama na muna ’yung pamimigay niya ng pera na bagama’t nakatulong sa marami ng malaki ay hindi naman siya nabigyan ng assurance ng mga natulungan niya na susuportahan muli nila siya sa bago niyang programa.

Nakakalungkot na parang sa pera-pera lamang nagkakatalo. Ngayon kayang wala na siyang perang ipamimigay panoorin pa rin kaya ang bago niyang show?

Cristine wala nang maaasahang pagmamahal kay Ara

Sayang kung totoo ’yung sinasabi ni Ara Mina na hindi na maibabalik sa dati ’yung relasyon nila ni Cristine Reyes bilang magkapatid. Talaga ngang mahihirapan na sila na kalimutan ang lahat at magsimulang muli. Paano ba naman umabot pa sa korte at demandahan ang nangyari sa kanila? Kahit talaga paano, naapektuhan ang kanilang pagiging magkapatid.

Show comments