Hindi lamang kay Raymart Santiago ako nanghihinayang sa hindi pagkakatuloy ng Mrs. Snowhite kundi pati kay Jillian Ward din. Nami-miss na siya ng followers niya. Ayaw nilang mawala siya ng matagal habang ang maraming ibang child stars ay kasakukuyang abala.
Bagaman at naniniwala sila na absence can make people long for Jillian it can also make them forget her. Huwag naman, ang pakiusap nila.
Maja dapat tanggapin ang sorry ni Anne
Sana tanggapin na ni Maja Salvador ang pagso-sorry sa kanya ni Anne Curtis. Hindi naman si Anne ang tipong malisyosa. Ako rin naniniwala na wala itong ibig sabihin sa salita niyang “maja-rotâ€. It was only a play of words and not something personal. Hindi naman kilala si Anne sa pagiging intrigera. Pero hindi ko rin masisisi si Maja kung sa puntong ito ay sensitive siya pagdating sa kanila ni Gerald Anderson. Dahil naapektuhan na ng isyu pati ang friendship nila ni Kim Chiu.
Pagso-sorry kapuri-puri
Kapuri-puri rin ang balak na paghingi ng sorry ni Maricel Soriano kay Gerald. Hindi man siya mabalik sa seryeng pagtatrabahuhan sana nila, maipapakita naman niya na ang isang katulad niya ay marunong ding tumanggap ng kanyang kamalian. Good girl, Maria!