May edad na karelasyon ni Erich, walang selos sa katawan!
Sa February 4 ay magsisimula na sa Primetime Bida ang bagong teleserye ni Coco Martin, ang Juan Dela Cruz. Makakatambal ng aktor sa nasabing proyekto si Erich Gonzales.
Minsan nang nagkasama sa isang pelikula sina Coco at Erich kaya mas madali na raw sa kanila ngayon ang trabaho dahil kabisado na nila ang isa’t isa.
Nagpalipad-hangin daw noon si Coco sa dalaga pero hindi natuloy ang panliligaw ng aktor. “Hindi ko naman po masabing ligaw kasi baka sabihin ko, ‘Ah ligaw,’ tapos siya naman hindi. Siguro palipad-hangin pero ‘di po natuloy,†pahayag ni Erich.
Hindi pa rin daw handa ang dalaga kung sakaling niligawan siya ni Coco noon. “Noong time po na ‘yon, alam niya talaga na gusto ko lang magtrabaho talaga at ayoko pang pumasok sa isang relasyon. Nirespeto niya at feeling ko ‘di po naman siya seryoso,†kuwento ni Erich.
Ngayon ay masaya ang aktres sa magdadalawang taon ng relasyon niya sa isang non-showbiz guy. “Okay naman po kami. Going strong, he’s very supportive,†pagtatapat ng dalaga.
Gusto talaga ni Erich na hindi artista ang kanyang kasintahan pero naiintindihan naman daw ng binata ang kanyang trabaho. Hindi rin daw seloso ang kasintahan ni Erich sa kanyang mga nagiging leading man sa mga proyekto. “Sinasabi ko sa kanya like ‘May taping ako today, may gano’ng mga eksena.’ And he’s very supportive talaga. Walang kaso, walang selos factor, walang ganun po,†giit pa ng aktres.
Sampung taon daw ang tanda ng nobyo ni Erich sa kanya pero hindi naman daw ito naging hadlang sa kanilang relasyon.
Vice, gustong magpasampal kay Maricel
Masayang-masaya si Vice Ganda dahil makakasama niya sa bagong proyekto si Maricel Soriano. Gaganap daw ang komedyante bilang anak nina Maricel at Gabby Concepcion sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy. “Sobra akong masaya dito sa paparating na project kasi kasama ko si Inay Maria. Eh noon ko pa ‘yun wini-wish eh. Dream ko masampal ni Maricel Soriano. Parang kumpleto na pagiging artista ko kapag nasampal ako ni Maricel Soriano, sa movie lang ha,†nakangiting bungad ni Vice.
Naapektuhan daw ang komedyante sa pagkawala ng Diamond Star sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin. “Marami pang pagkakataon na darating sa bawat isa sa atin. Hindi naman matatapos ang buhay sa isang pangyayari lang, at lahat ng bakla maghahanda dito kasi siyempre dyosa ng mga bakla ‘yun eh, si Inay Maricel,†paliwanag ni Vice.
Gusto rin daw niyang makasama o pasyalan minsan si Maricel sa bahay para magkakilala nang husto at para paghandaan ang kanilang shooting sa mga susunod na linggo. “I’d like to go out with Inay Maria. Dadalawin ko siya sa bahay soon,†pagtatapos ni Vice. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest