It’s Showtime, hindi natibag ng bagong kalaban

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang panalo ng It’s Showtime sa TV ratings o mga urban at rural na kabahayan sa buong bansa sa nakuha nitong national TV rating na 12.3% ka­makalawa (Jan 28), base sa pinakahuling datos ng Kantar Media.

Natalo nito sa naturang araw ang kalabang Wowowillie ng TV5 na bumaba sa 6.5% na TV rating mula sa 9.1% ng pilot telecast nito noong Sabado (Jan 26).

Kung bumaba ang ratings ng Wowowillie ay nanatili namang nakatutok ang solid viewers ng It’s Showtime na may national TV rating na 12.1% noong Sabado.

Ilan sa mga bagong pakulo ng It’s Showtime ay ang celebrity edition ng Bida Kapamilya tampok ang mag-anak ng mga sikat na artista, ang Kalokalike, ang pasiklaban ng celebrity impersonators, at ang Makina Matibay kung saan nagtutunggalian ang isang grupo laban ang isang makina sa pagsasagawa ng mga gawain gaya ng pagkudkod ng niyog at pagkaskas ng yelo.

Mag-party party kasama ang hosts na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Ryan Bang, Coleen Garcia, at Eric ‘Eruption’ Tai sa mas pinasiksik na It’s Showtime, 12:30 p.m. mula Lunes hanggang Bi­yernes at 12NN kapag Sabado.

Show comments