MANILA, Philippines - Hindi na maaaring hiranging unang Pinoy MasterChef ang Romantic Kusinero ng Laguna na si Reggie matapos ang kanyang madamdaming elimination sa MasterChef Pinoy Edition kahapon (Jan 29). Nabigong pabilibin ng balut-penoy dish ni Reggie ang host na si Judy Ann Santos-Agoncillo, Chef Ferns, Chef Lau, at Chef Jayps para tumawid sa susunod na yugto ng kumpetisyon. Pasok naman sa Top 6 ang kusineros at kusineras na sina Carla, Ivory, JR, Myra, Ronnel, at Sonny Boy na haharap sa isang matinding face-off challenge ngayong linggo kung saan magsasagupaan ang tigdadalawa sa kanila upang sikaping lamangan ang isa. Sino sa kanila ang aabot sa MasterChef Pinoy Edition: The Live Cook-off sa Pebrero 9? Tutukan ang huling dalawang linggo ng Masterchef Pinoy Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 10:15AM bago ang Minute to Win It sa ABS-CBN at tuwing Sabado, 10AM bago ang Be Careful With My Heart: Saturday Rewind.